Hugot ni Kaladkaren sa dyowang British: 'Dati pangarap lang kita, ngayon natitikman na! Charot!' | Bandera

Hugot ni Kaladkaren sa dyowang British: ‘Dati pangarap lang kita, ngayon natitikman na! Charot!’

Ervin Santiago |January 24,2023
facebook
share this

Hugot ni Kaladkaren sa dyowang British: ‘Dati pangarap lang kita, ngayon natitikman na! Charot!’

Ervin Santiago - January 24, 2023 - 08:23 AM

Hugot ni Kaladkaren sa dyowang British: 'Dati pangarap lang kita, ngayon natitikman na! Charot!'

Kaladkaren Davila at Luke Wrightson

MUKHANG saganang-sagana talaga sa “dilig” ang TV host na si Kaladkaren Davila kaya naman inggit na inggit sa kanya ang mga kapwa miyembro ng LGBTQIA+ community.

In fairness, palagi ngang fresh ang aura at blooming na blooming ang impersonator ng Kapamilya news anchor na si Karen Davila lalo na sa kanyang mga litrato at video sa social media.

Siyempre, isa nga sa mga rason kung bakit always beautiful and sexy si Kaladkaren ay ang nagpapaligaya at nagbibigay-kulay sa buhay niya ay walang iba kundi ang napakagwapong British fiancé niyang si Luke Wrightson.

Halos isang dekada nang magkarelasyon si Kaladkaren o Jervi Li sa tunay na buhay at si Luke at wishing nga sila pareho na maganap na ang kanilang wedding ngayong taon.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by KaladKaren (@kaladkaren)


Aliw na aliw at super kilig ang mga netizens kapag nagpo-post si Kaladkaren ng mga sweet photos nila ng kanyang partner, kabilang na riyan ang mga litrato nila sa United Kingdom kung saan sila nag-spend ng holiday season.

“Magtrabaho ka pero ‘wag mo pa rin kalimutan magpadilig!” ang caption ng Kapamilya TV host sa mga litratong ipinost niya sa Facebook page na kuha habang nasa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 sila ng dyowa.

“Finally, makakapagbakasyon din! Huhuhuhu. See you soon, my love! Monkey is excited to see you and Monkey #2! See you next year, Pilipinas!” dagdag pang pahayag ni KaladKaren.

Mula noon, palagi nang abangers ang mga netizen sa “diligan” journey nila ng kanyang boyfie.

Sa latest Facebook post nga ni KaladKaren, nabanggit niya na ini-imagine lamang niya noon si Luke  pero ngayon ay “natitikman” na niya ito.

“Dati pangarap lang kita… ngayon, natitikman na. Charot!!!” ang hirit ni KaladKaren sa kanyang FB post with matching may “feeling in love” pang paandar.

Makikita sa FB post ng TV host ang mga sweet bonding moments nilang magdyowa nang magpunta sila sa London kamakailan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by KaladKaren (@kaladkaren)


Kanya-kanyang reaksyon naman ang mga netizens sa mga post ni Kaladkaren.

“Sana all!!! May diligan na, may tikiman pa!”

“Grave sya oh! Ikaw na talaga ang Dilig Queen! Magsawa ka hanggang gusto mo!”

“Ang harot ni Ate Kaladkaren, sagana sa dilig!”

“Sana all natitikman momshie hahaha.”

“Sabi nga sa kaniya ni MOIRA: Dahil alaga mo sa dilig at katamtamang sikat ng araw-araw mong pag-ibig sa’king buhay nagpapasarap.”

“I love this couple! Stay strong!”

“Mang inggit ba Kaladkaren! Darating din ang tamang panahon na madidiligan ako! Babangon ako at didiligan kita! Hahahaha!”

 

Kaladkaren: Sabi nila ’15 minutes of fame mo lang ‘yan, hanggang diyan ka na lang, hindi ka sisikat’

#LoveWins: KaladKaren, British fiancè nag-celebrate ng 10th anniversary

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kaladkaren emosyonal nang ipakita kay Karen Davila ang bagong bahay: Kung hindi po dahil sa inyo, hindi ko ito makukuha

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending