Pia napiling katambal ni Piolo sa bagong comedy show na 'My Papa Pi'? | Bandera

Pia napiling katambal ni Piolo sa bagong comedy show na ‘My Papa Pi’?

Reggee Bonoan |February 10,2022
facebook
share this

Pia napiling katambal ni Piolo sa bagong comedy show na ‘My Papa Pi’?

Reggee Bonoan - February 10, 2022 - 03:35 PM

Pia Wurtzbach at Piolo Pascual

FOLLOW-UP ito sa nasulat namin dito sa BANDERA tungkol sa bagong comedy show ni Piolo Pascual na “My Papa Pi”.

Hindi na raw si Angelica Panganiban ang magiging love interest ng Kapamilya actor sa programa tulad nang naunang napabaliya.

Pinalitan na umano ang tinaguriang Hugot Queen bilang katambal ni Papa P ng TV host at aktres na si 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach.

Pero base naman sa mga nakita naming larawan ng cast na na-post sa kanilang mga social media accounts ay naroon pa rin si Angelica. Feeling namin, may ibang papel nang gagampanan ang aktres sa kuwento.

Ang nakalagay sa teaser ng show ay, “Bawal malungkot ngayong darating na March dahil aarangkada na ang SWEETCOM na talaga namang magpapa-smile at magpapa-kisay sa buong sambayanan!

“Wala ng patumpik-tumpik pa mga bes! Eto na ang, MY PAPA PI!”

Anyway, mukhang matutupad na ang matagal nang pangarap ni Pia na makasama si Papa P sa isang project base sa huling pakikipag-usap namin sa kanya noong December, 2019 sa launching ng isang kilalang home depot sa BGC, Taguig City.

At that time kasi ay may gagawin siyang pelikula kasama si Vhong Navarro pero dahil sa sobrang hectic ng schedule niya noon na paalis-alis ng bansa ay hindi na nga iyon natuloy.

View this post on Instagram

A post shared by Pia Wurtzbach (@piawurtzbach)


Binanggit nga niya na sana after Vhong ay si Piolo naman ang makasama niya at may halong kilig pa nang banggitin niya ang pangalan ng aktor.

At mukhang magtatagal na ang dating beauty queen sa bansa kaya siguro may oras na siya para gumawa ng weekly sitcom na mapapanood sa Kapamilya Network mula sa direksyon ni Cathy Garcia Molina.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

If ever, magsisilbing reunion project nina Pia at direk Cathy ang “My Papa Pi” dahil huli pang nagkatrabaho ang dalawa sa pelikulang “My Perfect You” kasama si Gerald Anderson taong 2018.

Piolo, Angelica, Madam Inutz bibida sa bagong comedy show na ‘My Papa Pi’

Jennica sinita ng ama dahil sa bikini photo: Binura ko na lang, baka magka-virtual sermon pa po

Dream ni Maja na makasama si Piolo sa isang project, matutupad na!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending