Wish ng nanay ni Vice: Sana magka-baby ka para may tagapagmana ng naipundar mo | Bandera

Wish ng nanay ni Vice: Sana magka-baby ka para may tagapagmana ng naipundar mo

Ervin Santiago |March 18,2021
facebook
share this

Wish ng nanay ni Vice: Sana magka-baby ka para may tagapagmana ng naipundar mo

Ervin Santiago - March 18, 2021 - 10:12 AM

Wini-wish at ipinagdarasal talaga ni Nanay Rosario Viceral na magkaroon ng apo sa kanyang anak na si Vice Ganda.

Diretsahang inamin ng ina ng TV host-comedian na umaasa siya na darating din ang panahon na maiisipan ng kanyang anak na magka-baby.

Sa latest vlog ng “It’s Showtime host” nabanggit ni Nanay Rosario na hinihiling niya na magkaroon ng sariling anak si Vice para bukod sa may makakasama siya sa kanyang pagtanda ay meron ding magmamana sa lahat ng kanyang  naipundar na ari-arian.

“Gusto ko anak kasi iniisip ko, sayang itong mga ipinundar mo anak na walang magmamana. Kanino mapupunta ito, kami nama’y patanda na.

“Maliban doon sa dalawang pamangkin mo. Pero iba talaga ‘yung may sarili ka (na baby),” pahayag ng ina ng TV host-comedian.

“Kaya nga nu’ng si Joel Cruz, nabalitaan ko, sabi ko, ‘Ay naku, sana si Tutoy ganito rin. Ang ku-cute ng mga anak niya,'” sey pa ni Nanay Rosario.

Ang tinutukoy niya ay ang super rich na gay business man na nagmamay-ari ng napakalaking perfume company na may walong anak (4 na kambal) na nabuo sa pamamagitan ng IVF o in vitro fertilization.

Diretsahan namang pinangalanan ng nanay ni Vice ang artistang nais niyang magdala ng magiging baby ng anak kung sakaling magdesisyon itong magpa-IVF.

Sey ni Nanay Rosario, “Kaye Abad. Gusto ko siya kasi simpleng simple lang siya.”

“Kaye Abad, alam mo na. Baka naman pwede nating pagbigyan ‘yung nanay ko,” natatawang pagbibiro ng Phenomenal Box-office Star.

Sa kasalukuyan ay ka-live in ni Vice ang boyfriend niyang si Ion Perez at in fairness mukhang mas tumatatag pa ang kanilang pagsasama habang tumatagal.

Last October, 2020, nag-celebrate ang magdyowa ng kanilang second anniversary kung saan naging emosyonal pa si Ion sa sorpresang regalo sa kanya ni Vice.

Ito ay ang pagpunta nila sa isang theme park sa Laguna para doon sila magdiwang at ang music video ng kantang ginawa nila ni Moira dela Torre na inialay nga niya kay Ion.

Kung matatandaan sa nasabi ring vlog, sinabi ng nanay ni Vice na hindi naman siya nalungkot o na-frustrate nang malamang bading din si Vice tulad ng iba pa niyang kapatid.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Hindi ako nalungkot. Kasi ako naman, kung ano ang kapalaran na ibigay sa mga anak ko, tanggap ko kahit na ano,” sabi ni Nanay Rosario na super proud na proud kay Vice.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending