Julie Anne, Rayver sa tanong kung cheating ba ang makipagkaibigan sa dating dyowa: 'It’s just weird! Kasi kapag ex na, ex na!' | Bandera

Julie Anne, Rayver sa tanong kung cheating ba ang makipagkaibigan sa dating dyowa: ‘It’s just weird! Kasi kapag ex na, ex na!’

Reggee Bonoan |May 01,2023
facebook
share this

Julie Anne, Rayver sa tanong kung cheating ba ang makipagkaibigan sa dating dyowa: ‘It’s just weird! Kasi kapag ex na, ex na!’

Reggee Bonoan - May 01, 2023 - 06:07 AM

Julie Anne, Rayver sa tanong kung cheating ba ang makipagkaibigan sa dating dyowa: 'It’s just weird! Kasi kapag ex na, ex na!'

Julie Anne San Jose at Rayver Cruz

KILIG na kilig si Bea Alonzo kina Rayver Cruz at Julie Ann San Jose sa “Drip Bear Painting” vlog na napapanood na ngayon sa kanyang YouTube channel.

Tinanong muna ni Bea kung paano nagkakilala at nagsimula ang love story ng JulieVer, ayon sa singer-actress nakilala niya si Rayver simula noong lumipat ito sa GMA 7 at naging malapit na magkaibigan.

“Bro nga ang tawag niya sa akin tapos naging Ray na, tapos si Rodjun naging kuya RJ na,” pambubuking ni Rayver habang tawa nang tawa si Julie Anne.

“Malaking tulong ba na naging mag-bestfriend muna bago naging kayo?” sunod na tanong ni Bea.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by bea alonzo (@beaalonzo)


“Oo, kasi hindi ko na kailangang magpa-impress, kung ano ang nakilala niya sa akin noon hanggang ngayon ganu’n pa rin ako,” sagot ng binata.

Paano naman ilalarawan ni Julie Anne si Rayver? “Si Ray kasi he’s such a nice person, he’s easy to get along with, napakabait, napaka-humble, parang lahat ng characteristics ng mabuting lalaki nasa kanya na,” sabi ng dalaga.

Baka Bet Mo: Julie Anne ibinandera ang pagmamahal kay Rayver sa pakilig na birthday message, sagot ng aktor: Mahal kita Jules!

“Grabe napakaanghel mo do’n puwedeng palagyan ng halo (circle of light), sobrang bait ni Rayver,” sabi rin ni Bea.

Paglalarawan naman ng aktor kay Julie Anne, “Para akong nakakita ng opposite version (ko) na babae lang siya na naging lalaki parang iisa kami.”

Ano ang love language ng aktres sa aktor? “Ako words and touch.”

E, si Rayver, “Ako service.”

Singit ni Julie Anne, “Halos lahat quality time.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by rayvercruz (@rayvercruz)


Pinatunayan naman ito ni Bea na talagang kapag may event ang kaibigan ay pumupunta si Rayver.

“Mas in person talaga ako kaya (pinupuntahan ko),” sabi ng aktor.

“Parang (effort talaga) kasi he lives in Parañaque tapos ako I live in Fairview and communication is very important for me,” say naman ng aktres.

Mahirap bang kasama sa trabaho ang love mo o manliligaw mo? “Sa akin okay lang kaso mahirap mag-switch kasi kitang-kita sa camera na love ko, eh.  Kahit away ang eksena,” tsika ng binata.

Wala rin daw matinding pinag-aawayan ang dalawa puro petty quarrels lang sabi ni Julie Anne.

“Bro, seloso ka ba?” tanong ni Bea.

“Hindi! Pero sino laging nagtatampo?” sabay tingin ni Rayver kay Julie Anne na ginantihan din ng tingin.

“Kasi ang tagal niyang mag-reply, e, naka-online naman. Pero nakapag-adjust na ako (kasi busy sa mobile games),” pambubuking ni Julie Anne sa kanyang boyfriend.

“Does it consider cheating if your partner is still in touch with your exes?” tanong uli ni Bea.

Sagot ni Julie Anne, “I think it’s just weird! Kasi pag ex na, ex na. Puwedeng like casual ganu’n (or) civil. Pero kung close-close ay parang it’s just weird.”

Sabi naman ni Rayver, “Ganu’n din same.  Siguro sa ibang tao kung may abiso nu’ng partner, or wife o girlfriend pero pag nakikita mo sa itsura ng babae parang weird bakit kayo friends?  Eh, itigil mo na ‘yan!”

Cheating ba if you have crush someone other than your partner? “Parang hindi kasi crush lang ‘yun, eh,” saad ni Julie Anne.

Dagdag pa, “Ako kasi wala akong ibang crush, siya (Rayver) lang ang crush ko, eh! Ha-hahaha!”

Naaliw kami sa facial expression ni Bea sa sagot ni Julie Anne sabay sabing, “Ako kasi imported ang crush ko like Hollywood talaga. Tulad kanina pagkakita ko, sabi ko sa kanya, ‘ang ganda-ganda mo talaga.'”

Kuwento naman ni Bea kung ano ang obserbasyon niya sa JulieVer, “Nu’ng nag-US kami nakikita ko how they feel each other, talagang they adore each other, parang laging bago.”

“Everytime na nakikita ko si Juls lagi kong iniisip lahat na, ‘Lord ano bang ginawa ko bakit sobrang suwerte ko o may nagawa rin akong tama sa buhay ko para ibigay niya sa akin si Julie Anne sa buhay ko,” pahayag ni Rayver.

Naloka si Bea, “Oh my! Ang daming quotable quotes, grabe ‘yun nakakakilig!”

Cheating ba if hinatid ng boyfriend mo ‘yung babae na lasing? Mabilis na sagot ng aktor, “Ay hindi sorry lasing din ako wala akong car.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by JULIE ANNE SAN JOSE (@myjaps)


Confident naman si Julie Anne sa boyfriend niya, “Alam ko naman kasing hindi siya papatol or nasa tao talaga ‘yun. Intuition ng isang babae, usually tama. Pag kasi may balik from your partner, ibang usapan na ‘yun.”

Aminado rin si Julie Anne na may nakikita siyang lumalandi sa aktor. Sabi ng dalaga, “Ay meron (sabay tingin sa binata).”

“Wala, para akong kabayo guys. Mas maliit pa ‘yung (fly cap) ko sa kabayo,” paniniguro ng aktor.

Wala ring Tinder app ang JulieVer na ayon naman kay Bea kapag nasa isang relasyon ka ay hindi mo kailangan ng dating app dahil temptation ito.

At inamin na ni Rayver na si Juls na raw ang huling babae sa buhay niya.

Kilalang aktres hindi pa rin maka-move on sa ex-dyowang aktor; palihim na natutulog sa dati nilang bahay

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Love life hugot ni Julie Anne San Jose: Okay lang naman maghintay, basta alam mong worth it ang paghihintay

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending