#SweetYarn: Marco Gallo sinorpresa si Heaven Peralejo sa presscon with matching 6 white roses, may bongga pang pangako | Bandera

#SweetYarn: Marco Gallo sinorpresa si Heaven Peralejo sa presscon with matching 6 white roses, may bongga pang pangako

Ervin Santiago - April 30, 2023 - 07:13 AM

#SweetYarn: Marco Gallo sinorpresa si Heaven Peralejo sa presscon with matching 6 white roses, may bongga pang pangako

Marco Gallo at Heaven Peralejo

KAHIT hindi diretsahang umamin sina Heaven Peralejo at Marco Gallo, tulad ng kanilang mga fans naniniwala rin kami na nag-level up na ang estado ng kanilang relasyon.

Isa sa mga patunay diyan ay ang biglang pagdating ng aktor sa ibinigay na presscon kay Heaven ng Viva Artists Agency (VAA) pagkatapos niyang pumirma ng kontrata sa talent management ni Boss Vic del Rosario last April 26.

Pareho na ngayong VAA talent sina Heaven at Marco at magkatambal sila ngayon sa latest digital series na “The Rain in España” na mapapanood sa Viva One streaming platform.

Una silang nagkatagpo at naging close bilang mga housemates sa “Pinoy Big Brother: Lucky 7” na umere sa ABS-CBN noong 2016.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Nabidyuhan namin ang pa-surprise visit ni Marco sa presscon ni Heaven kung saan binigyan niya ng anim na white roses ang dalaga with matching “love letter.” Binasa pa ito ni Heaven sa harap ilang members ng entertainment press.

“A bouquet of white roses is a subtle and thoughtful way to express yourself when words fail and can also symbolizes a new beginning and unconditional love.

Baka Bet Mo: Kylie Verzosa umaming nakipag-date kay Marco Gumabao: We tried it out but mga bata pa kami

“So in these next couple of years, in those moments we will be filled with obstacles, always remember you always have someone beside you who will truly understand you for who you are,” ang nakasaad sa nasabing letter.

Ngayong nasa pangangalaga na siya ng VAA, asahan daw na marami pa siyang gagawing mga bagong proyekto na ikagugulat ng kanyang mga fans. Bukod sa akting, sasabak na rin si Heaven sa pagre-recording with Viva Music.

Sa kabila ng paglipat niya ng Viva, mananatili pa rin daw sa puso niya ang Star Magic, “I’m very, very grateful kasi hindi naman ako magiging ako ngayon kung hindi dahil sa ABS-CBN. Nag-usap na rin po kami, nagpaalam po ako nang maayos.


“Naintindihan po naman nila na sa isang pamilya, meron talagang isa na nagwa-wander, nag-e-explore. Pero anytime, nandiyan sila para i-welcome po ulit ako.

“Sabi ko nga, I’m so happy na may addition ako na family and to my life. Okay po kami. Grateful talaga ako. Definitely, I’m very happy now that I have a new family. Now that I have a plan for the whole year.

“I think I got a lot more mature so I’m very willing and open to take more projects na talagang mapu-push ang limit ko bilang aktres,” aniya pa.

Sabi naman ni Boss Vic del Rosario, kung ano ang narating nina Sarah Geronimo, Anne Curtis, Cristine Reyes at ng iba pang pambato ng VAA, ay posible ring maraming ni Heaven, “Like her name, hanggang langit ang mararating ng kanyang career.”

“Sobrang excited ako sa bagong chapter ng life ko, na mabibigyan ako ng chance to explore,” reaksyon naman ni Heaven.

Marco Gallo nainis ba kay Kuya Kim matapos ang comment nito sa mensahe kay Kisses?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Julia umamin: Na-miss ko pala ‘yung part na ‘yun tungkol sa sarili ko…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending