Elijah Canlas magde-debut bilang recording artist, first time na magtatanghal sa Mayo
MAY bagong venture ang award-winning actor na si Elijah Canlas pagdating sa kanyang karera.
Matapos makuha ang “Special Jury Prize” para kanyang pagganap sa Summer MMFF entry na “About Us But Not About Us” ay nakatakda naman siyang mag-debut bilang isang recording artist!
Ang kanyang kauna-unahang performance bilang music artist ay mangyayari sa darating na “The Rest is Noise (TRIN)” show sa May 26 sa Balcony Music House sa Makati City.
At dahil diyan ay mapapakinggan ng fans kung anong klase ng musika ang mga ilalabas ni Elijah.
Kasalukuyang gumagawa ng mga kanta ang award-winning actor sa gabay ng kanyang music label na Island Records Philippines.
Bilang music performer, producer at rapper, siya ay kikilalaning “elijah.”
“The rising multihyphenate will be performing using his mononym, elijah, for the first time, teasing listeners for what’s to come on his music venture,” sey sa Instagram post ng TRIN.
View this post on Instagram
Ilan lamang sa makakasama ni elijah sa upcoming show ay ang pinoy rappers na sina BLKD at Calix, pati na rin Filipino-Japanese musician na si ena mori, ang mga bandang Hey June! At Pedicab, at marami pang iba.
Ang tickets para sa “The Rest is Noise (TRIN)” show ay nagkakahalaga ng P800 at mabibili yan sa pamamagitan ng link na ito: bit.ly/trin36.
Related Chika:
James Reid busy sa career, walang time magdyowa
Elijah Canlas inaming ‘the one’ si Miles Ocampo: ‘Pag nagmahal po kasi ako buong-buo po talaga
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.