James Reid busy sa career, walang time magdyowa Bandera

James Reid busy sa career, walang time magdyowa

Therese Arceo |May 26,2022
share this

James Reid busy sa career, walang time magdyowa

Therese Arceo - May 26, 2022 - 05:22 PM

James Reid busy sa career, walang time magdyowa
ABALANG-ABALA ang singer-actor na si James Reid sa pagpapabuti ng kanyang karera at aminado ito na wala siyang oras para pumasok sa relasyon.

Kasalukuyan itong nasa Los Angeles, California kasama ang mga katrabaho at kaibigan mula sa kanyang music label.

Kamakailan nga ay present si James sa naganap na Gold House Gold Gala na ginanap sa Los Angeles kung saan kasa-kasama niya ang Kapamilya star na si Liza Soberano.

Tulad nga ng una naming nachika, kaya ito nasa Amerika dahil abala ito sa kanyang karera. Nakapokus kasi ngayon ang binata sa paggawa ng musika.

“I’m out here really working on music. Getting in the studio like five days a week, just making music, meeting up with people—it’s been great the whole Asian community out here,” saad ni James sa kanyang interview sa Pacific Rim Video Press sa naganap na gala para sa Asian Pacific Islanders (API) artists noong May 21.

Dagdag pa niya, “There’s definitely interest to really pursue music. That’s where I’m headed right now. But for now, I’m just enjoying the creative process, making music, collaborating.”

Dito ay inamin nga niya na wala sa isip niya sa ngayon ang pagkakaroon ng karelasyon.

““I’m not really interested [with any girl] right now. I‘ve been trying to stay single for as long as possible just because there’s a lot I’m trying to do right now. I got out of a 4-year relationship so I’m just tryna do me, be happy being me for a while,” sey ni James.

Aware naman ang lahat na ang tinutukoy nito ay ang nagtapos nilang relasyon ng dating ka-love team na si Nadine Lustre.

Matatandaang noong January 2020 nang gulatin ng JaDine ang madlang pipol matapos nilang aminin ang kanilang break up.

Sa kabila nito ay nanatili namang maganda ang samahan nila James at Nadine at sa katunayan nga ay present ito sa bagong music video ni James na “Hello 2.0 Legends Only” na inilabas nitong Marso 2022.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by James Reid (@james)


Nangako naman ang singer-actor na mas marami pang aabangan sa kanyang ang mga taga-suporta.

“Just hang in there, stay tuned and there’s a lot of music coming for you guys,” hirit pa ni James.

Related Chika:
James Reid hindi pa rin nabebenta ang bahay; umaasang may chance pa kay Nadine?

‘Kissing video’ ni James sa kapwa lalaki viral na, mga kaibigan umalma sa balitang ‘magdyowa’: Fake news yarn!

Reunion movie nina James Reid at Nadine Lustre imposibleng mangyari ngayong 2022

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending