James Reid hindi pa rin nabebenta ang bahay; umaasang may chance pa kay Nadine?
Sa panahon ng COVID-19 pandemic, marami ang nagpapagawa o bumibili ng bahay gaya ng mga kilalang personalidad at pati na rin mga ordinaryong netizens.
Kaya nagtataka kami kung bakit hindi pa nabebenta ang bahay ni James Reid sa Loyola Grand Villas kung saan sila nagsama ni Nadine Lustre noong magkarelasyon pa sila.
Nabalita kasi bago pa magkaroon ng pandemya ay ibebenta na ito ng aktor at kukuha na lang ng mas maliit na bahay dahil masyadong malaki ang 1,000 sqm with 7 bedrooms, 2 large kitchens, 25-meters lap pool, fully equipped gym, 6 car garage, fully soundproofed recording studio at iba pang amenities.
May mga inquiries naman daw kaso hindi kaya ang asking price ni James na P85M.
At sa huling panayam ni James sa “King of Talk” na si Boy Abunda ay napag-alaman ng publiko na nagbago na naman ang isip ng singer-actor na ibenta ang bahay niya.
“What do you think?” ito kasi ang sagot ni James kay Kuya Boy sa tanong na naka-upload sa channel nitong “The Boy Abunda Talk”.
Nahulaan kasi ng talk show host na hindi pa nga ito nabebenta.
Ang paliwanag ng binata na tila nahihirapang sumagot, “No, Uhm, I was and then, I didn’t. I actually moved back into it. But, I am currently selling the house, yeah. But I plan to (sell), in about… like a month or so.”
May nabasa kaming komento na baka naman hoping pa rin si James na magkabalikan sila ni Nadine lalo’t aminado naman ang aktor na hindi pa siya handang makitang may ibang dine-date ang kanyang ex-girlfriend.
Samantala, kahit naka-lockdown ay tuluy-tuloy ang trabaho ni James. Nagsisimula siyang mag-work ng 8AM at gabi na matatapos kasama na ang zoom meetings at monitoring ng kanyang mga negosyo.
Bukas naman ang BANDERA para sa paliwanag kung totoo ba ang usap-usapan na may kinalaman ang ex-girlfriend sa pagbabago ng kanyang isip na ibenta ang bahay.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.