Jennica feeling Miss Universe sa 'Dirty Linen': 'Kapag action na, meron akong confidence, alindog at katawan ni Pia Wurtzbach!' | Bandera

Jennica feeling Miss Universe sa ‘Dirty Linen’: ‘Kapag action na, meron akong confidence, alindog at katawan ni Pia Wurtzbach!’

Ervin Santiago |April 25,2023
facebook
share this

Jennica feeling Miss Universe sa ‘Dirty Linen’: ‘Kapag action na, meron akong confidence, alindog at katawan ni Pia Wurtzbach!’

Ervin Santiago - April 25, 2023 - 07:24 AM

Jennica umaming hiyang-hiya kapag umaakting sa 'Dirty Linen': 'Kapag action na, meron akong confidence, alindog at katawan ni Pia Wurtzbach!'

Jennica Garcia

INAMIN ni Jennica Garcia na hiyang-hiya siya sa tuwing haharap na siya sa mga camera para gampanan ang role niya sa hit Kapamilya hit revenge series na “Dirty Linen.”

Itinuturing ng aktres na isang big blessing ang mapabilang sa cast ng naturang serye dahil ito ang unang pagkakataon makalipas ang ilang taon na nabigyan ng bonggang project.

Pero aminado siyang napakahirap para sa kanya ang gumanap bilang si Lala Millado. In fact, inatake talaga siya ng matinding nerbiyos nang ibigay sa kanya ang naturang project.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jennica 🦋 (@jennicagarciaph)


Dating sexy dancer sa bar si Lala kaya naman kinailangan niyang magsuot ng mga sexy outfits lalo na sa mga flashback scenes at talagang nag-ipon siya ng tapang para ma-pull off ang kanyang mga daring scenes.

“Nandu’n po yung kaba talaga. Lalo na yung sinabi sa akin yung history ni Lala, nagtatrabaho siya sa bar, na prostitute siya,” simulang chika ni Jennica sa panayam ni Amy Perez sa “Sakto”.

“Nag-meeting po talaga kami kasi nakakahiya po, kasi hiningi ko yung trabaho, pero parang gusto ko na ring umurong. Kasi po hindi pa ko nakagawa ng ganitong klaseng role,” dagdag pa ng anak ng premyadong aktres na si Jean Garcia.

Baka Bet Mo: Dimples hiyang-hiya kina Angel at Bea sa pa-surprise na baby shower para sa kanyang 3rd baby: Kasi gumagastos talaga sila

Nu’ng una raw ay talagang inaatake siya ng nerbiyos at baka hindi raw niya mabigyan ng hustisya ang karakter ni Lala, “Hindi ko rin alam, kasi alam naman po natin yung karakter ni Lala parang gandang-ganda siya sa sarili niya.”

“Alam ko sa sarili ko na hindi ko kaya itong gawin, pero pag sinabi na po ni Direk Andoy na ‘Action!’ Ibang klaseng drive and confidence niya (Lala). She is beatiful and that she is sexy,” aniya pa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jennica 🦋 (@jennicagarciaph)


At inamin nga ni Jennica na si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach ang peg niya sa pagganap bilang si Lala, “Sa totoo lang po kapag sinusuot ko po si Lala, nakakahiya kay Miss Pia Wurtzbach, pero iniisip ko po talaga kahit hindi ko siya kamukha.

“Kahit magkaiba kami ng level ng ganda, iniisip ko kapag action na, meron akong confidence ni Pia Wurtzbach, meron akong alindog ni Pia Wurtzbach, meron akong katawan ni Pia Wurtzbach.

“Kahit wala, parang iniisip ko na lang po siya sa isip ko para maitawid yung eksena,” chika pa niya.

Sa tanong kung may pagkakapareho ba sila Lala sa totoong buhay, “Wala po yata. Siguro yung ano lang po, pareho kami ni Lala magmahal, yung pag nagmahal hindi kami basta madaling matitibag dahil lang hindi na kami mahal nung mahal namin.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jennica 🦋 (@jennicagarciaph)


“Yung ipipilit namin hanggang dulo, hanggang sa maramdaman namin na tinutulak na kami palayo,” sabi pa ng aktres.

Nauna nang sinabi ni Jennica sa isang panayam na isa sa mga ultimate dream project niya ay ang makasama sa isang Pinoy version ng isang Korean drama series.

“I really want to star in a Korean adaptation series. Saka naiisip ko nga, sige pagsasabi ko na para pag may auditon, makapag-audition po,” aniya.

Jennica nahihiyang aminin ang pangarap na makasama sa Pinoy version ng K-drama: ‘Ngayon, ipagsasabi ko na para makapag-audition po ako’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa wakas…Barbie nagsalita na tungkol sa tsismis sa kanila ni Daniel; hiyang-hiya kay Kathryn

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending