Baron may problema sa mata kaya kailangang magpa-laser: ‘Para makapag-drive at maka-acting nang maayos’
MAY problema pala sa mata ang mainstay ng “The Iron Heart” na si Baron Geisler.
Kaya pala noong na-interview namin siya sa set visit ng teleserye sa Cebu ay nakasalamin siya.
Sa kanyang latest Instagram post, itsinika ni Baron na magpapa-laser na siya ng kanyang mata. Before his operation ay nag-post siya ng short video.
“Hello there, folks. Nandito ako sa Laser For Sights sa Cebu Doctors. Magpapa-laser po ako in a bit. Hindi ako kinakabahan because I am in good hands with Doc Yong Larrazabal,” say ni Baron.
View this post on Instagram
“I just want to thank you guys, kayo ni Ms. Donna for thanking care of my eyes. Para din po ito sa aking trabaho.
“Para maka-drive nang maayos and of course, maka-acting nang maayos. Ang hirap ng laging naka contacts or salamin.
“So, nag-decide ako and my wife na gawin itong surgery na ito since it is very convenience, napakabilis and walang down time,” dagdag pa niya.
Baka Bet Mo: Jake puring-puri si Richard bilang katrabaho at kaibigan: ‘Siya talaga ang epitome of an action star’
As Janus in “The Iron Heart” ay inaabangan na ng lahat ang banggan nil ani Apollo played by Richard Gutierrez lalo pa nang pasukin niya ang bahay ni Apollo at hinostage ang mga nasa loob nito.
Sing-init na ng panahon ang mga kaganapan sa “The Iron Heart” matapos nilang makapagtala ng panibagongall-time high live concurrent views na 286,140 noong Huwebes (Abril 20).
View this post on Instagram
Ayon kay Sue Ramirez, “Sa init ng pagtanggap ng tao sa serye, hindi kami nahihirapan magtrabaho. Very grateful kami sa lahat ng sumusuporta sa amin.”
Gayundin ang mensahe ni Pepe Herrera na gumaganap bilang Poseidon, isa sa Apollo 5 sa serye.
“Very proud kasi maganda ‘yung reception ng tao. Kapag maganda ‘yung reception nila, ibig sabihin maganda ‘yung nagagawa namin at nakaka-relate sila. Motivated tuloy kami na mas pagandahin pa ang serye,” say niya.
Samantala, nabisto na ni Priam (Albert Martinez) na si Apollo (Richard Gutierrez) ang tiktik matapos itong umalis sa charity ball nang malamang nasa kamay ni Janus (Baron Geisler) ang kanyang pamilya.
Abangan kung masasalba ni Apollo ang kanyang pamilya at kung ano ang plano niya ngayong pinaghahanap na siya ni Priam.
Alamin din ang mga susunod na balak nina Venus, Juno (Meryll Soriano), Poseidon, at Eros (Jake Cuenca) ngayong nabunyag na ang totoong katauhan ni Apollo.
Netizens naloka sa okrayan nina Kiray at Senyora; iba pang celebs damay?
Kyle Echarri, Maja Salvador, Richard Gutierrez puring-puri sa pag-arte sa ‘The Iron Heart’
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.