Kim Atienza pinag-tripan ng netizens, pagsasabing '50 degrees celsius' sa NCR naging prank daw | Bandera

Kim Atienza pinag-tripan ng netizens, pagsasabing ’50 degrees celsius’ sa NCR naging prank daw

Therese Arceo - April 23, 2023 - 02:25 AM

Kim Atienza pinag-tripan ng netizens, pagsasabing '50 degrees celsius' sa NCR naging prank daw

MARAMI sa mga netizens ang nag-react sa post ng TV personality na si Kim Atienza at sinabihang prankster raw ito.

Usap-usapan ang personalidad dahil sa kanyang naging Facebook post noong Biyernes, April 21 kung saan nagpaalala siya na mag-ingat ang publiko dahil sa mataas na heat index ngayon.

“50 degrees Celsius in Metro Manila tomorrow. Please be careful,” paalala ni Kuya Kim.

Marami sa mga netizens ang naniwala sa ipinost ng TV personalidad dahil sa kredibilidad nito sa pagbibigay ng ulat na may kinalaman sa lagay ng panahon dahil sa matagal niyang pagiging weatherman sa “TV Patrol” noong nasa bakod pa siya ng ABS-CBN.

May mga nagpasalamat kay Kuya Kim dahil sa pagbibigay nito ng paalala ngunit marami ang mga netizens na binalikan ang post ng personalidad nang biglang bumuhos ang malakas na ulan sa ilang parte ng Metro Manila noong Sabado ng hapon.

“Charizz. Lakas ng ulan kanina,” saad ng isang netizen.

Sey naman ng isa, “Kuya Kim! Sabi mo 50 degrees celsius sa NCR ngayon? Umulan po ng malakas. Salamat po sa ulan. Feeling weird.”

Hirit pa ng isa, “Scammer! It’s a prank!”

Baka Bet Mo: Kim Atienza ibinandera ang kanyang ‘pandesal’, nakipagsabayan kina Jak at Jayson

“Salamat po sa info. Isang kapote lang po dala ko. Hinatid ko misis ko…hehehe. Ayun male-late siya kaya siya ang pinasuot ko ng kapote. Wet @Aprilfools,” chika pa ng isa.

Marami rin ang nag-post ng mga larawan ng malakas na ulan o mga larawan nila habang umuulan at naka-tag rito ang Kapuso personality.

Ngunit wala namang intensyon si Kuya Kim na magdulot ng kalituhan o maling impormasyon sa publiko dahil base maman ang kanyang post sa isang ulat na inilabas ng PAG-ASA na aabot ang heat index ng araw na iyon sa ilang parte ng bansa.

Para sa mga hindi nakakaalam, ang heat index ay ang sukat o resulta ng pinagsamang actual air temperature at humidity in a given time.

Sey nga ni Kuya Kim, “Ang buhay ay weather weather lang.”

Hindi naman hawak ng personalidad ang magiging temoeratura ng buong bansa at wala rin naman itong kontrol kung bigla na lamang bumuhos ang ulan.

Para naman sa ilan, thankful sila na hindi nagkatotoo ang ulat na ibinahagi ni Kuya Kim dahil kung tutuusin ay talagang napakahirap nito at mas prone sa pagkakaroon ng heat stroke ang mga taong nasa labas ang trabaho kung hindi ito properly hydrated.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Kim Atienza walang takot sa kamatayan, sa langit raw ang punta kapag pumanaw

Kim Atienza emosyonal sa huling gabi bilang Kapamilya: Ang buhay ay weather-weather lang

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending