Confirmed! Maja makakasama si Bossing Vic sa bagong sitcom ng GMA: 'Panibagong pangarap ko na naman ang natupad' | Bandera

Confirmed! Maja makakasama si Bossing Vic sa bagong sitcom ng GMA: ‘Panibagong pangarap ko na naman ang natupad’

Ervin Santiago - April 19, 2023 - 01:20 PM

Confirmed! Maja makakasama si Bossing Vic sa bagong sitcom ng GMA: 'Panibagong pangarap ko na naman ang natupad'

Jose Manalo, Vic Sotto at Maja Salvador

TOTOO nga kaya ang kumakalat na chika na tatapusin na ang programang “Daddy’s Girl” nina Vic Sotto at Maine Mendoza na napapanood every weekend sa GMA 7?

Ito’y matapos mag-post ang TV host-actress na si Maja Salvador sa kanyang social media account tungkol sa gagawin niyang sitcom kasama si Bossing Vic at si Jose Manalo.

Sa kanyang Instagram account, ibinahagi ni Maja ang ilang litrato nila nina Vic at Jose kasabay ng pagkumpirma sa upcoming sitcom nilang “Open 24/7” na mapapanood na very soon sa Kapuso network.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by MAJA (@maja)


“Open 24/7 SOON! Panibagong pangarap ko na naman ang natupad! Last January nung malaman ko ang balita tungkol sa sitcom…

“Finally Ito na at tuloy na tuloy na! A million thanks Bossing sa tiwala. #MzetProductions #Gma,” ang mababasa sa caption ni Maja.

Baka Bet Mo: Andrea maraming nadiskubre kay John Lloyd: Kalog at palabiro rin pala siya, at higit sa lahat…

Sa ulat naman ng “24 Oras” kagabi, kumpirmadong nag-pictorial na ang tatlong Dabarkads  para sa nasabing sitcom.

Pahayag ni Bossing, “Hindi lang siya puro patawa kumbaga dapat may laman na galing sa puso yung mga istorya na tatalakayin ninyo, makakarelate yung mga tao.”

Sey pa niya patungkol kay Maja, “Si Maja, ganda ng personalidad niya. She is very sweet. Tapos nagkasama kami sa ‘Eat Bulaga,’ matagal-tagal din du’n so iyong vibes andun na kahit first time ko siya makakasama sa sitcom.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by MAJA (@maja)


Itinuturing naman ni Maja na dream come true ang makatrabaho ang movie at TV icon, “Dream ‘ko talaga na makatrabaho si Bossing ‘di man sa pelikula pero at least sa sitcom niya.”

Gagampanan ni Maja sa show ang karakter na Mikaela, na isang napakaarte at kikay na babae, “Ito na ang pinakamaarteng role na gagawin ko, ngayon pa lang, pagod na ‘ko, ganu’n. Pero exciting, for me, parang ‘yung iba, subtle ‘yung pagkaarte niya, ito, matindi.”

“Kita mo, kumpleto ako sa lahat, todo kulot meron pang headband tapos ang daming abubot pero exciting kasi kailangan ko ng maraming energy,” aniya pa.

Ka-join din sa sitcom ang ilang Sparkle GenZ artists tulad nina Bruce Roeland, Kimson Tan, Anjay Anson, Abed Green, Muriel Lomadilla, at sina Sofia Pablo at Allen Ansay.

Sa tanong kung mapapanood din ba ng Kapuso viewers sa bago niyang sitcom ang anak nila ni Pauleen Luna na si Tali, “Anything is possible. Si Tali naman kasama namin sa taping sa ‘Eat Bulaga.’

“And she is very much interested, pero siyempre hindi namin itutulak sa showbiz kung gusto lang niya mas importante ang pag-aaral,” paliwanag pa ni Bossing.

Ang tanong, ang “Open 24/7” nga ba ang ipapalit ng GMA sa “Daddy’s Girl”? Kung totoo nga, siguradong malulungkot ang mga manonood na sumusubaybay sa nasabing programa tuwing weekend.

Pia Wurtzbach sinigurong walang dapat pagselosan ang dyowa sa tambalan nila ni Piolo Pascual

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Hiling ng fans sa GMA: John Lloyd, Bea, Dingdong, Marian pagsama-samahin sa teleserye

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending