Hiling ng fans sa GMA: John Lloyd, Bea, Dingdong, Marian pagsama-samahin sa teleserye | Bandera

Hiling ng fans sa GMA: John Lloyd, Bea, Dingdong, Marian pagsama-samahin sa teleserye

Ervin Santiago |December 12,2021
facebook
share this

Hiling ng fans sa GMA: John Lloyd, Bea, Dingdong, Marian pagsama-samahin sa teleserye

Ervin Santiago - December 12, 2021 - 10:02 AM

Marian Rivera, Dingdong Dantes, Bea Alonzo at John Lloyd Cruz

NGAYON pa lang ay atat na atat na ang mga tagasuporta ni John Lloyd Cruz na mapanood ang much-awaited sitcom ni John Lloyd Cruz sa GMA na “Happy To Get Her”.

Mas lalo pang na-excite ang Kapuso viewers nang ilabas na last Monday ang teaser plug ng unang programang gagawin ni Lloydie sa GMA mula nang magbalik siya sa showbiz after so many years.

Matatandaang nitong nakaraang buwan ay pumirma ang Box-Office King ng partnership deal sa Kapuso Network para sa kanyang gagawing sitcom sa ilalim ng direksyon ni Wacky Solutions, Inc. director and line producer Edgar “Bobot” Mortiz.

Bumuhos ang excitement at saya sa comments section ng naturang teaser mula sa fans ng multi-awarded actor lalo pa nga’t ito ang magsisilbing comeback project ni John Lloyd matapos mawala ng ilang taon.

Komento ng isang netizen, “Grabe, hindi pa rin nagbabago si John Lloyd. Lakas pa rin talaga ng appeal sa pagpapasaya at pagpapakilig.”

“Even as a new Kapuso, it was obvious na kumportableng-komportable na siya with his new friends sa GMA at sa kanyang pagbabalik eksena,” sey ng isang fan ng aktor.

Reaksyon pa ng isa, “Ito talaga ‘yung inaabangan kong comeback! Super happy na JLC is really back on screen to showcase his comedy side. For sure, isa ito sa mga magiging favorite feel-good sitcom ko!”

View this post on Instagram

A post shared by John Lloyd Cruz (@johnlloydcruz83)

May nag-suggest naman sa GMA na sana’y pagsamahin daw sa isang bongga at pasabog na serye sina John Lloyd, Bea Alonzo, Dingdong Dantes at Marian Rivera dahil sigurado raw na gagawa ito ng marka sa mundo ng telebisyon.

Kaabang-abang naman talaga ang nalalapit na pagbabalik-telebisyon ni John Lloyd sa Kapuso Network. Abangan ang announcement ng GMA kung sinu-sino ang makakasama ni Lloydie sa “Happy To Get Her.”

* * *

Dahil ang Kapaskuhan ay panahon ng pagbibigayan, may handog na practical and environment-friendly tips ang award-winning infotainment show ng GMA Network na “Amazing Earth” tuwing Linggo ngayong Disyembre.

Abangan at matuto mula sa ilang tips kung paano mas maalagaan ang ating kapaligiran at kalikasan ngayong holiday season. Makikita ang Amazing Tips na ‘yan sa official social media accounts ng “Amazing Earth” at GMA Network.

Para sa kanilang unang Amazing Holiday Tip, may inihandang downloadable e-cards ang programa na maaring ipadala ngayong Christmas season.

Sa maliit na paraang ito ay mababawasan ang mga puno na kailangang putulin sa pagawa ng holiday cards na gawa sa papel. Abangan ang ilan pang Amazing Holiday Tips ng Amazing Earth sa kanilang official social media pages.

Samantala, samahan pa rin si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes sa kanyang panibagong adventures sa fresh episode ng “Amazing Earth” ngayong Linggo.

https://bandera.inquirer.net/286244/bakit-isinasama-ni-dingdong-si-zia-kapag-nagbo-voice-over-siya-sa-amazing-earth

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/286094/dingdong-tatakbo-nga-bang-senador-o-kongresista-sa-eleksyon-2022

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending