Bahay na tinitirhan ngayon ng kilalang aktres na ibinigay ng mayamang dyowa hindi pa nakapangalan sa kanya, anyare? | Bandera

Bahay na tinitirhan ngayon ng kilalang aktres na ibinigay ng mayamang dyowa hindi pa nakapangalan sa kanya, anyare?

Reggee Bonoan |April 11,2023
facebook
share this

Bahay na tinitirhan ngayon ng kilalang aktres na ibinigay ng mayamang dyowa hindi pa nakapangalan sa kanya, anyare?

Reggee Bonoan - April 11, 2023 - 07:37 AM

Bahay na tinitirhan ngayon ng kilalang aktres na ibinigay ng mayamang dyowa hindi pa nakapangalan sa kanya, anyare?

guess, guess who!? Ma-gets n’yo kaya kung sino siya?

AWARE kaya ang aktres na hindi nakapangalan sa kanya ang bahay na ibinigay ng kanyang mayamang boyfriend o posibleng maging hubby na niya sa tamang panahon?

Naitsika ito sa amin ng ahente na opisina nila ang may hawak ng posh subdivision sa bandang South na wala sa pangalan ng aktres ang malaking bahay na ibinigay sa kanya ng pinakamamahal niyang dyowa.

Doon na nakatira ang aktres at kasambahay lang ang kasama lagi dahil ang dyowa niya ay hindi araw-araw umuuwi sa kanya dahil abala ito sa kanyang trabaho.

Inalam namin kung matagal nang nakatira roon ang aktres na rati’y sa isang simpleng townhouse lang at kasama pa nito ang magulang at mga kapatid.

“Kung hindi ako nagkakamali may limang taon na,” kaswal na banggit ng ahente sa amin.

Bakit hindi pa ipinapangalan sa aktres ang bahay? “Tinanong din namin kung ipapangalan kay ____ (aktres) ‘yung bahay, e, sabi ni sir hindi raw, sa kanya lang,” tsika ulit sa amin.

Baka Bet Mo: Payo ni Karen kay Lyca wag basta isuko ang virginity: Magse-sex kayo tapos magbi-break and after that, wala na

Hindi raw kasama si aktres nu’ng nagpunta ng opisina nila ang dyowa nito at may bilin na siya lang ang kakausapin pagdating sa bahay.

Anyway, wala namang mairereklamo ang aktres sa dyowa niya dahil well provided siya ng lahat mula groceries, marketing, pagbabayad ng bills pati ang homeowners association fees ay sagot din ni boyfriend pati bayad sa kasambahay, driver at hardinero.

Ang tarush ni aktres dahil walang iniisip na gastusin araw-araw kaya ang kinikita niya sa kanyang negosyo ay kanyang-kanya lang at iniipon din naman niya in fairness dahil baka raw dumating ang panahong magkaproblema sa negosyo ang dyowa niya at least may ambag siya.

“Sabi pa nga ni Ma’am (aktres), buti na lang daw may bahay na siya.  Siyempre dedma na kami,” sambit pa ng ahenteng kausap namin.

Oh well, sobrang mahal ni aktres ang dyowa niya at mukhang gayun din naman ang guy dahil talagang nakatutok siya sa mga ginagawa nito para maging maayos ang paghawak nito sa negosyo niya.

Sana magkatuluyan na sila sa huli dahil pag nagkahiwalay, malamang mae-eject ang aktres dahil wala sa pangalan niya ang magandang bahay na tinitirhan niya.

Sikat na male celeb hiniwalayan ang dyowa nang malamang ‘kumabit’ sa mayamang personalidad

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mayamang investor ayaw nang maglabas ng pera para sa mga pelikula ng movie produ: ‘Kasi puro flop daw ang projects’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending