Pelikula nina Enchong, Bela, Romnick at Coco nangunguna raw sa 1st Summer MMFF, anong entry ang tatanghaling top-grosser? | Bandera

Pelikula nina Enchong, Bela, Romnick at Coco nangunguna raw sa 1st Summer MMFF, anong entry ang tatanghaling top-grosser?

Reggee Bonoan - April 09, 2023 - 06:47 PM

Pelikula nina Enchong, Bela, Romnick at Coco nangunguna raw sa 1st Summer MMFF, anong entry ang tatanghaling top-grosser?

Ang 8 entry sa ginaganap ngayong 1st Summer MMFF

NASA Gateway Mall kami noong Sabado, Abril 8, sa pagbubukas ng 1st Summer Metro Manila Film Festival. Kapansin-pansin na walang masyadong pila sa sinehan dahil nasa bakasyon pa ang karamihan.

Pero kahit paano ay marami-rami na rin ang nanonood ng sine. Nakakuha kami ng first day gross sa unang araw ng SMMFF, pero unofficial pa ito kaya pwede pang mabago ang pagkakasunud-sunod.

Nangunguna ang “Here Comes The Groom’ nina Enchong Dee, Nico Antonio, KaladKaren, Iyah Mina, Gladys Reyes, Keempee de Leon, Miles Ocampo, Awra Briguera, Maris Racal, Eugene Domingo at iba pa mula sa direksyon ni Chris Martinez handog ng Quantum Films, Brightlight Productions at Cineko Productions.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Ikalawa ang “Yung Librong Napanood Ko” na pinagbibidahan, isinulat, idinirek at pinrodyus ng aktres na si Bela Padilla, kasama ang Korean actor na si Yoo Min-Gon. Co-produced ito ng Viva Films.

Pumangatlo ang “About Us But Not About Us” nina Romnick Sarmenta at Elijah Canlas mula sa panulat at direksyon ni Jun Robles Lana produced by IdeaFirst Company, OctoberTrain and Quantum Films.

Baka Bet Mo: Luis, Jessy nag-celebrate ng 1st wedding anniversary: One down, forever to go!

Nasa ikaapat na puwesto ang “Apag” nina Coco Martin, Gladys Reyes, Shaina Magdayao, ex-gov Mark Lapid, Joseph Marco, Jacklyn Jose, Julio Diaz, Gina Pareno, Vince Rillon, Ronwaldo Martin, Mercedes Cabral, at ex-Senator Lito Lapid. Si Brillante Mendoza ang direktor at produced ng Center Stage Productions at Hongkong International Film Festival Society.

Panglima ang “Unravel” nina Gerald Anderson at Kylie Padilla na idinirek ni RC delos Reyes mula sa MavX Productions.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Ikaanim ang “Love You Long Time” nina Carlo Aquino at Eisel Serrano handog ng Studio Sixty-Three na idinirek ni JP Habac habang nasa ikapitong puwesto ang “Single Bells” nina Angeline Quinto, Aljur Abrenica at Alex Gonzaga na sinulat at idinirek ni Fifth Solomon produced ng TinCan Films.

Ikawalo ang “Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko” na pinagbibidahan nina RK Bagatsing, Meg Imperial, Dennis Padilla, Gelli de Belen, Ariel Rivera, Rosanna Roces, Christopher de Leon at iba pa handog ng Saranggola Media at idinirek ni Joven Tan.

Samantala, habang sinusulat namin ang balitang ito ay nakatanggap kami ng balitang nagbawas daw ng ilang sinehan kung saan ipinalalabas ang “Single Bells” at “Kahit Maputi na ang Buhok Ko.”

Nakalulungkot kung totoo ito dahil malaki ang nagastos ng Saranggola Media sa kanilang pelikula. Sana’y makabawi sila sa mga susunod na araw.

Sean de Guzman nahe-hurt sa pamba-bash sa ‘My Father, Myself’: Hindi pa nila napapanood dyina-judge na nila

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

‘Maid in Malacañang’ kumita na ng P330M; ipinalabas na sa Middle East

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending