'Maid in Malacañang' kumita na ng P330M; ipinalabas na sa Middle East | Bandera

‘Maid in Malacañang’ kumita na ng P330M; ipinalabas na sa Middle East

Therese Arceo - August 19, 2022 - 09:23 PM

Maid in Malacañang kumita na ng P330M; ipinalabas na sa Middle East
MUKHANG patuloy ang pamamayagpag ng “Maid in Malacañang” movie na idinirek ni Darryl Yap dahil tatlong linggo na itong ipinapalabas sa sinehan.

Ayon sa ipinost sa Facebook page ng Viva Films ngayong Biyernes, Agosto 19, umabot na nga sa P330 million ang kinita ng naturang pelikula.

Samantala, nasa Dubai naman ang “Maid in Malacañang” director na si Darryl dahil sa pagbubukas ng controversial movie sa ilang sinehan sa UAE.

Sa kasamaang palad, hindi na natuloy kasama ni Darryl papuntang Dubai dahil nagpositibo ito sa COVID-19 kamakailan at kasaluluyang nagpapagaling.

Speaking of Direk Darryl, nag-post ito sa kanyang Facebook account ukol sa mainit na pagtanggap ng mga kababayan natin sa Dubai sa pelikulang “Maid in Malacañang”.

Ayon sa Dubai Media Council, ang pelikula ang may “most number of screens and cinemas” sa kanilang lugar.

“You have the record of having the most number of screens and cinemas for a Philippine Film in the Middle East, This movie must mean a lot for the Filipino.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by VIVA Films (@viva_films)

Sey ng “Maid in Malacañang” director, “Paano ako magrereact dito Boss Vincent del Rosario, parang nadagdagan ang energy ko mag Dubai Mall, penge pang energy!”

Labis naman ang pasasalamat niya sa lahat ng mga Pilipinong tumangkilik ng kanyang pelikula sa Middle East.

“SALAMAT PO SA MGA KABABAYAN NATIN DITO SA MIDDLE EAST! gusto ko umiyak ng Gold,” sey ni Darryl.

Dagdag pa niya, “ay naTAG Senator Imee R. Marcos.”

Related Chika:
Janno Gibbs napahugot sa pagbabayad ng tax: Kawawa ang middle class

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

‘Maid in Malacañang’ kumita ng P41 million, matalo kaya ang ‘Hello, Love, Goodbye’?

Darryl Yap dumepensa sa mga anti-‘Maid In Malacañang’: Hindi ko sinabing walang naabuso, walang natapakan ang mga Marcos, pero…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending