Janno Gibbs napahugot sa pagbabayad ng tax: Kawawa ang middle class | Bandera

Janno Gibbs napahugot sa pagbabayad ng tax: Kawawa ang middle class

Therese Arceo |July 02,2022
facebook
share this

Janno Gibbs napahugot sa pagbabayad ng tax: Kawawa ang middle class

Therese Arceo - July 02, 2022 - 01:24 PM

Janno Gibbs napahugot sa pagbabayad ng tax: Kawawa ang middle class

HINDI napigilan ng singer-actor na si Janno Gibbs ang maglabas ng kanyang saloobin ukol sa pagbabayad ng tax.

Sa kanyang Instagram account ay ibinahagi niyang lubos na apektado ang mga middle class sa pagbabayad ng buwis.

“Bayaran na naman ng tax. Buti pa mahirap, walang babayaran. Buti pa mayaman, maraming paraan. Kawawa middle class, walang takas. Buti na lang, wala akong trabaho,” saad ni Janno.

Naging witty rin ang kanyang caption na “Buwis-et (laughing emoji)”

Marami naman sa mga netizens ang sumang-ayon sa aktor dahil parehas sila ng pinanggagalingan.

“TOTOO!!!!! Tas sasabihan oa tato na kaya natin sarili natin. B**et na bansang to talaga!!!!” saad ng isang netizen.

Comment pa ng isang netizen, “Sabi nga po ng iba diyan, ‘the middle class can take care of themselves’.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Janno Ilagan Gibbs (@jannolategibbs)

“The middle class be carrying the country on its back, only to be stabbed by the government. Hay Pilipinas,” hirit pa ng isang netizen.

May nagsabi ring on point ang sinabi ni Janno.

“Ang nakikinabang yung mahihirap. Ok lang sana kung deserving, pero kadalasan, yung mga tambay at walang ginagawa ang nakikinabang,” hinaing pa ng isang netizen.

Kamakailan ay naging paksa ang mga middle class matapos tutulan ni Senator-elect Raffy Tulfo ang pagbibigay ng ayuda sa kanila.

Aniya, dapat daw ay mas iprayoridad ang pagbibigay ng ayuda sa mga mahihirap na pamilya.

“Middle class, I think, pag-aralan muna. Pero below middle class, ibig sabihin yung mga mahihirap, yes na yes. Pero middle class, for me, in my humble opinion, right now, without still looking at the facts and figures, I don’t think so,” ani Tulfo.

“Ma-afford naman nila eh, dahil middle class sila eh. Tumatanggap na sila ng at least above minimum wage na sila. So dun tayo sa mga minimum wage earner or below minimum wage,” dagdag nito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Janno nakipagsagutan sa bashers matapos maglabas ng sama ng loob sa ‘Showtime’

Janno Gibbs tinawag na ‘clout chaser’ matapos mag-react sa post ni Dennis Padilla

Janno Gibbs nawalan ng 4k followers dahil sa politika

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending