Janno Gibbs tinawag na 'clout chaser' matapos mag-react sa post ni Dennis Padilla Bandera

Janno Gibbs tinawag na ‘clout chaser’ matapos mag-react sa post ni Dennis Padilla

Therese Arceo |June 29,2022
share this

Janno Gibbs tinawag na ‘clout chaser’ matapos mag-react sa post ni Dennis Padilla

Therese Arceo June 29, 2022 - 03:18 PM

Janno Gibbs tinawag na 'clout chaser' matapos mag-react sa post ni Dennis Padilla
HINDI na nakapagpigil ang singer-actor na si Janno Gibbs at pinatulan ang mga bashers niya sa social media.

Agad na rumesbak ang aktor sa mga netizens na tinawag siyang “clout chaser” at “enabler” matapos siyang mag-comment sa Instagram post ng kaibigang si Dennis Padilla.

Matatandaang trending ngayon si Dennis dahil sa IG post nito kung saan sinabi niyang nakalimutan siya umanong batiin ng kanyang mga anak noong Fathers’s day.

Binura rin niya ito subalit huli na ang lahat dahil may mga nakakita at nakapag-screenshot na ng post kaya kumalat rin ito sa social media.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Janno Ilagan Gibbs (@jannolategibbs)


Matapos ang ilang araw ay sinagot siya ni Leon Barretto at sinabihan ang ama na sana ay huwag na itong mag-resort sa “public shaming” dahil nahihirapan siya sa tuwing nakikita ang mga kapatid na tahimik na nasasaktan sa pambabash ng mga tao.

At sa bagong post nga ni Dennis ay hindi napigilan ni Janno na magkomento kung saan sinabi niyang hindi noya sinasadyang masaktan ang mga anak at nami-miss lamang niya ang mga ito.

Pawang mga emojis lang naman ang komento ng singer-actor pero may isang netizen na nakapansin at agad siyang tinawag na “clout chaser”.

Resbak ni Janno, “You have zero followers. I have 365k. Who needs clout more?”

Comment naman ng isa pang netizen, “The ultimate enabler ng abusive parent ka rin sir no?”

Tila nag-init ang ulo ni Janno at mainit na sinagot ang netizen.

“Tara***do na ah! May sinabi ba ako? Pinagtanggol ko ba si Dennis? (prayer and heart emoji) yan ang comment ko. If I an an enabler, you’re an idiot,” buwelta ni Janno.

Sa ngayon naman ay binura na rin ni Dennis ang kanyang IG post na sagot sa naging open letter ng anak na si Leon sa kanya.

Related Chika:
Janno rumesbak sa nagsabing ‘kapit’ siya kay Leni Robredo para sa Kapamilya franchise: Banned po ako sa ABS-CBN!

Wala akong galit kay Janno Gibbs at wala akong galit sa puso ko

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending