Wala akong galit kay Janno Gibbs at wala akong galit sa puso ko | Bandera

Wala akong galit kay Janno Gibbs at wala akong galit sa puso ko

Reggee Bonoan |March 12,2021
facebook
share this

Wala akong galit kay Janno Gibbs at wala akong galit sa puso ko

Reggee Bonoan - March 12, 2021 - 08:55 PM

HALOS lahat ng nakakapanood sa YouTube channel na Ogie Diaz Showbiz Update kasama si Mama Loi Villarama ay naaaliw sa mga balita at palitan nila ng kuro-kuro.

Isa na nga riyan si Direk Erik Matti na nag-post pa ng, “Aliw ako sa vlog n’yo, saya.”

Nagpasalamat sina Ogie at Mama Loi kay direk Erik pero may binasa silang hindi nito gusto ang vlog ng dalawa.

“Tapos merong nag-comment Loi, sabi niya, ‘ay ako direk hindi nag-eenjoy,” sabi ni Ogie.

“Ay bakit?  Alam naman nating we cannot please everybody pero bakit hindi siya nage-enjoy?  Sino ‘to?” tanong ni Mama Loi kay Ogie.

“Itago natin sa pangalang Janno Gibbs (sabay flash ang post),” sambit ng kilalang talent manager at vlogger.

“At least napanood ni Janno, ah.  Para masabing hindi siya nag-eenjoy may reaksyon siya,” katwiran ni Ogie.

“Bakit nga ba hindi nag-enjoy si Janno?” tanong ni Mama Loi.

“E, baka sa isyung Kitkat,” sagot naman ni Ogie.

Dagdag pa, “Na nagbato siya ng mike, pinagmumura niya si Kitkat.”

Isa sina Mama Loi at Ogie sa nagbigay ng opinyon noong kasagsagan ng isyu kina Kitkat at Janno sa nangyari sa programang “Happy Time” sa NET 25 at nabanggit ang tungkol sa working attitude ng TV host-actor dahil laging ito ang reklamo sa kanya ng lahat.

“Saka hindi ko naman siya dyinads, ah?” sabi pa ni Ogie.

May galit ba ang manager kay Janno, “Ay wala!  Wala akong galit kay Janno Gibbs at wala akong galit sa puso ko.  Importanteng makatulog tayo ng walang galit.  Kung sila may galit, e, hindi naman natin maiiwasan ‘yan dahil we cannot please everybody.

“Kung si Janno hindi natin na-please, e, so be it.  Basta ang importante kumpara kay Janno, mas maraming nag-eenjoy sa atin, so ganu’n lang iyon at kung sa paningin n’yo ay hindi kami dapat paniwalaan ni Janno at ‘yung opinyon namin, eh, hindi dapat panghawakan so be it.  Saka opinyon ni Janno ‘yun, ibigay natin sa kanya ‘yun.”

Balik- tanong ni Mama Loi, “Sa tingin mo galit sa ’yo si Janno?”

“Hindi ko alam, baka?” tawa nang tawang sagot ni Ogie.

* * *
Matagumpay na naipagtanggol nina Andrea Abaya, Jie-Ann Armero, Liofer Pinatacan, at Kobie Brown ang kanilang mga pwesto sa Big 4, kaya naman sila na ang opisyal na tutuloy sa “PBB Connect” Big Night sa Linggo (Marso 14), 9 p.m. sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, at Kapamilya Online Live.

Naging matindi man ang naging paghamon sa kanila nina Amanda Zamora at Ralph Malibunas bilang challengers, nanaig ang tiwala sa sarili at katatagan ng Big 4 upang ipaglaban ang kanilang mga pangarap.

Unang sumabak sa challenger task sina Andrea at Kobie na napiling kalabanin ni Ralph. Sumunod naman nagbakbakan sa pangalawang challenger task sina Amanda, Jie-Ann, at Liofer. Pinili mismo ng Kumunity ang naging challenger tasks, na kombinasyon ng mga nagdaang tasks ni Kuya sa season na ito.

Hindi biro ang pinagdaanan ng Big 4 upang umabot sa Big Night, na siyang inaasam-asam ng 177,524 na nag-audition sa Kumu noong Nobyembre upang maging opisyal na housemate ng “PBB Connect.”

Si Andrea, ang Cheerdance Sweetheart ng Parañaque, pinatunayang importante ang tiwala sa sarili sa bawat hamon ni Kuya mula sa secret tasks noong isolated housemate pa siya hanggang sa unang “Apat na Karapat Dapat” challenge.

Ang Kwelang Fangirl ng Sarangani na si Jie-Ann naman, pinakita ang kahalagahan ng pakikisama sa tao, kaya naman magaan ang loob ng housemates tuwing kasama siya.

Si Liofer, ang naman, ang Dong Diskarte ng Zamboanga Del Sur, ipinamalas ang kanyang taglay na diskarte sa tasks ni Kuya at ang pagiging responsable sa loob ng bahay.

Samantala, ipinakita naman ni Kobie, ang Charming Striker ng Parañaque, na kailangan maging matatag at positibo lang sa anumang laro ng buhay.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sino kaya kina Andrea, Jie-Ann, Liofer, at Kobie ang tatanghaling Big Winner ng “PBB Connect?” Abangan sa “PBB Connect” Big Night sa Marso 14 (Linggo).

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending