Klarisse de Guzman walang awang 'pinatay' sa socmed: 'Buhay na buhay ako, nagti-TikTok po ako' | Bandera

Klarisse de Guzman walang awang ‘pinatay’ sa socmed: ‘Buhay na buhay ako, nagti-TikTok po ako’

Ervin Santiago |April 06,2023
facebook
share this

Klarisse de Guzman walang awang ‘pinatay’ sa socmed: ‘Buhay na buhay ako, nagti-TikTok po ako’

Ervin Santiago - April 06, 2023 - 07:39 AM

Klarisse de Guzman walang awang 'pinatay' sa socmed: 'Buhay na buhay ako, nagti-TikTok po ako'

Klarisse de Guzman

“KLARISSE de Guzman…pumanaw na!” Yan ang nakasaad sa isang Facebook post na ikinaloka talaga ng Kapamilya singer.

Isang naghuhumiyaw na fake news ang nasabing FB post kung saan makikita ang black and white photo ng dalaga na may nakasulat na, “Rest Of Peace…Klarisse de Guzman (1991 to 2023).”

Du’n pa lang sa mga katagang “Rest Of Peace” ay maling-mali na (Rest In Peace ang tama) kaya kita mo nang peke ang naturang balita.

Mismong si Klarisse ang nagbahagi nito sa kanyang Instagram Story na noon pang March 19 pa nai-post sa Facebook pero kahapon lang, April 5, nakarating sa biriterang singer.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by KLARISSE (@klarissedguzman)


Ngunit sa halip na magalit at ma-stress, sinakyan na lang ni Klarisse ang ginawang “pagpatay” sa kanya sa socmed ng mga taong walang magawa sa buhay kundi ang magpakalat ng fake news.

Sa ni-repost ngang FB story ni Klarisse ay naki-rest in peace na rin siya kaya tawang-tawa at aliw na aliw ang kanyang mga fans at socmed followers na nagpaabot din ng kanilang “pakikiramay.”

Sa kanyang Instagram story naman, ipinagdiinan ni Klarisse na hindi pa siya tegi at gawa-gawa lang ang balitang namatay na siya.

Baka Bet Mo: Erica Blake, Jericka Madrigal gaganap na mga batang sex worker sa horror-advocacy film na ‘Socmed Ghosts’

“Jeepoy buhay na buhay ako. Nagti-TikTok ako,” ang muling paglilinaw ng dalagang singer na napanood pa namin sa “ASAP Natin To” last Sunday, April 2.

Hindi ito ang unang pagkakataon na pinatay si Klarisse sa socmed. Taong 2017 nang mabalitang patay na siya kasabay ng release ng kanta niyang “Paalam Na”.

Nag-ugat ito sa isang YouTube video kung saan nakasulat sa text title ang “Paalam Na – Klarisse De Guzman” na sa unang tingin ay aakalain mong pumanaw na ang dalaga na

Sa mga hindi pa aware, si Klarisse ang naging champion sa season 3 ng “Your Face Sounds Familiar” na umere sa ABS-CBN noong 2021.

Klarisse de Guzman waging ‘YFSF 3’ grand champion; nanalo ng P1-M at house & lot

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

9 talentadong kabataan patibayan, paistaran sa online reality show na ‘Socmed House’ ng KSMBPI

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending