Erica Blake, Jericka Madrigal gaganap na mga batang sex worker sa horror-advocacy film na ‘Socmed Ghosts’
KUNG wala nang naging problema, tapos na ngayon ang shooting para sa horror-advocacy movie ng Kapisanan ng mga Social Media Broadcasters ng Pilipinas Inc., ang “Socmed Ghosts’.
Nakachikahan namin ang cast members ng nasabing pelikula sa pamamagitan ng president ng KSMBPI na si Dr. Michael Aragon at in fairness, talagang makikita mo sa kanila ang dedikasyon at pagmamahal sa kanilang trabaho.
Ang lahat ng bibida sa “Socmed House” na ilalaban sa mga international film festival ay mula sa dalawang batch ng online reality show na “Socmed House” na magiging talents na rin ng KSMBPI Productions nina Doc Michael Aragon.
Una na naming makapanayam ang ilang bida sa “Socmed Ghosts” na sina Chase Romero na napanood noon sa “Ang Probinsyano” bilang tauhan ni Geoff Eigenmann; Sheikayna Ylaya na napakalalim ng hugot sa personal na buhay; at ang mga aeta na sina Jason Naruso at Arjohn Gilbert na pang-world class din ang talent pero niloko raw ng dati nilang talent manager.
Last Thursday ay nakachikhan naman ang dalawa pang artista ng “Socmed Ghosts” na sina Erica Blake at Jericka Madrigal at naikuwento nga nila ang naging experience sa shooting ng kanilang movie.
Gagampanan ni Jericka sa pelikula ang role ni Lyka na napasabak sa child prostitution dahil sa kanilang mga magulang. Si Erica naman ay si Cassandra ang nakatatandang kapatid ni Lyka na isa ring sex worker.
Aminado naman sila na nahirapan sila sa mga unang araw ng kanilang shooting pero eventually ay nasanay at naging kumportable na sila.
Medyo sanay na rin sa harap ng camera si Jericka dahil nagdo-double na siya sa mga teleserye at nagmo-model na rin. Palaban naman si Erica dahil game rin daw diyang magpa-sexy kung kailangan.
Idol daw niya si Andrea Brillantes at ang Vivamax bombshell na si Christine Bermas. Bilang isa ring singer, super like niya raw si Sarah Geronimo.
Nagkuwento rin ang dalaga tungkol sa kanyang pamilya at napakarami rin pala niyang hugot sa buhay lalo na sa kanyang pamilya. Kaya naman siguradong malalim din ang paghuhugutan niya sa kanyang akting.
Ang “Socmed Ghosts” ay idinirek nina Jojo Albano at Karlo Montero, katuwang sina Pete Mariano at
Jeremiah Palma.
Ayon kay Doc Mike, napapanahon at may social relevance ang kuwento ng pelikula na siya mismo ang nakaisip. Tungkol sa extra judicial killings, extreme hunger and poverty, child prostitution at climate justice.
Ang mga tauhan sa pelikula ay nabiktima ng nasabing pangyayari. Namatay sa baha at paglapastangan sa kalikasan, nalason sa pagkain ng pagpag dahil sa kahirapan, pagbubugaw ng sariling mga magulang para ibenta ang anak at extra judicial killings.
‘Socmed Ghosts’ ng KSMBPI Films mananakot na; 4 na multo may kanya-kanyang hugot
Naniniwala ka bang malas at may dalang panganib ang Ghost Month?
9 talentadong kabataan patibayan, paistaran sa online reality show na ‘Socmed House’ ng KSMBPI
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.