Naniniwala ka bang malas at may dalang panganib ang Ghost Month? | Bandera

Naniniwala ka bang malas at may dalang panganib ang Ghost Month?

Ervin Santiago - August 03, 2022 - 10:00 AM

Naniniwala ka ba sa Ghost Month? (Litrato mula sa Facebook ni Jean Yu-Chua)

NANINIWALA ka ba sa ghost month? Totoo nga kayang may dalang kamalasan at panganib ang buwan ng Agosto?

Ang tinatawag na “hungry ghost month” o HGM ay isang matandang paniniwala ng mga Chinese kung saan maraming ipinagbabawal gawin para hindi malasin sa iba’t ibang aspeto ng buhay.

Ngayong taon, nagsimula ang ghost month nitong July 29 at tatagal hanggang August 26. At ang tinatawag namang “offerings day” (pag-aalay para maiwasan ang kamalasan at panganib) ay magaganap sa August 12, 1 p.m. onwards.

Ayon sa paniniwala ng mga Chinese, ang ghost month ay ang panahon kung nagbubukas umanon ang “gates of hell”. Dito, malaya raw na nakagagala sa iba’t ibang lugar ang masasamang espiritu.

Sa isang panayam, sinabi ng feng shui expert na si Jean Yu-Chua na tuwing ghost month, bumabalik umano sa kani-kanilang pamilya ang mga taong namatay na.

“One month sila na nandito sa mundo natin, so free sila to roam aroung and free sila to visit ang living families nila,” pahayag ni Jean sa isang panayam.

Ngunit ipinagdiinan niya na walang dapat katakutan ang mga buhay dahil pwede namang maiwasan ang kamalasan at panganib kabilang na ang pag-iwas muna sa pagtatayo o pagbubukas ng bagong negosyo, pati na ang pagpapagawa o pagpapa-renovate ng bahay, at ang  pagsasagawa ng events sa gabi.

Nag-share naman ng ilang tips ang feng shui expert sa madlang pipol kung paano paghahandaan ang HGM, “It falls on the 7th lunar year, 7th lunar month, mostly sa western calendar natin is August. Kaya nag start July 29 this year hanggang August 26.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jean Yu Chua (@jeanchdragon)


“Almost itong tradition natin is passed down through many years na kaya ginagawa talaga ng mga Chinese people, or not only Chinese, mga Asian countries also,” ang sabi pa ni Jean sa nasabing panayam.

Aniya pa, “Mas maigi na huwag tayo masyado maging sobrang busy sa mga business investment o kaya sa construction, renovation kasi sasabihin ng mga ghost or spirit na you don’t remember us.

“Iniiwasan lang natin to execute or start but if your project or your renovation is ongoing tapos na pass through lang tong ghost month, it’s okay to continue, ang iniiwasan lang natin is to start,” paliwanag pa ni Jean.

Maaari rin daw gawin ang mga sumusunod: pag-aalay ng dasal sa mga pumanaw na, pagsusunog ng paper money, pag-aalay ng insenso  at pagsusuot o paglalagay ng protection charm sa bahay at opisina.

Sa panayam naman ng ABS-CBN, pinaalalahanan din niya ang lahat ngayong ghost month, “As long as we respect them (mga sumakabilang-buhay na), we give offerings and offer prayers to appease their soul para at least they can go back after the 1 month period.”

Mensahe pa niya sa lahat, “Pray and more take care of yourself and avoid going out at night, these are all a practice, you just need to think positive. If you respect everyone, the ghost will also respect you.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/319954/lolit-solis-nag-react-sa-anti-ghosting-bill-no-1-example-nito-si-bea-alonzo
https://bandera.inquirer.net/294299/banat-ni-cristy-fermin-kay-kuya-kim-kapag-hindi-kayang-panindigan-wag-magsalita
https://bandera.inquirer.net/317503/donny-belle-may-bonggang-project-sana-abroad-pero-naudlot-magkasamang-lilipad-patungong-us-para-sa-star-magic-tour

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending