Vhong malaki ang pagkukulang kay Tanya: 'Ang panata ko hindi lang ngayong Holy Week, mamahalin ko ang asawa ko araw-araw' | Bandera

Vhong malaki ang pagkukulang kay Tanya: ‘Ang panata ko hindi lang ngayong Holy Week, mamahalin ko ang asawa ko araw-araw’

Ervin Santiago |April 05,2023
facebook
share this

Vhong malaki ang pagkukulang kay Tanya: ‘Ang panata ko hindi lang ngayong Holy Week, mamahalin ko ang asawa ko araw-araw’

Ervin Santiago - April 05, 2023 - 08:52 AM

Vhong malaki ang pagkukulang kay Tanya: 'Ang panata ko hindi lang ngayong Holy Week, mamahalin ko ang asawa ko araw-araw'

Vhong Navarro at Tanya Bautista

“NAPAKALAKI ng pagkukulang ko sa asawa ko,” ang pag-amin ng TV host-comedian na si Vhong Navarro sa harap ng madlang pipol sa nakaraang episode ng “It’s Showtime.”

Nagbahagi ng madamdaming mensahe si Vhong para sa kanyang misis na si Tanya Bautista bilang bahagi ng paggunita ng kanilang noontime show ngayong Semana Santa.

Aniya, ginawa na niyang “panata” ang mahalin at respetuhin ang kanyang pinakamamahal na misis na naging sandalan niya mula noong sila’y magsama bilang mag-asawa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Vhong Navarro (@vhongx44)


Abot-langit pa rin daw ang pasasalamat niya kay Tanya dahil hindi siya iniwan nito nang maakusahang nanggahasa hanggang sa makulong ilang buwan na ngayon ang nakararaan.

Baka Bet Mo: Jaclyn nag-sorry sa pagkukulang kay Andi: Anak napakatapang mo, hinahangaan kita

Pangako nga ni Vhong on national TV, babawi siya sa kanyang asawa. Napakarami raw talaga niyang realizations sa buhay noong nakulong siya kaugnay ng rape case na isinampa sa kanya ni Deniece Cornejo.

Ngunit kamakailan lamang ay ibinasura na ng Supreme Court ang naturang kaso kaya malaya na ngayon si Vhong sa kahit anong asunto.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Vhong Navarro (@vhongx44)


“Ang panata ko hindi lang ngayong Holy Week, gusto ko araw-araw, iyong mahalin ko ‘yong asawa ko araw-araw… malaki ang pagkukulang ko,” sabi ng komedyante.

Dagdag pa niya, kung noon daw ay puro trabaho ang kanyang iniisip, ngayon ay naglalaan na siya ng mas mahabang oras at panahon para sa kanyang pamilya.

Kung matatandaan, last February ay ibinandera ni Vhong ang kanyang birthday message para kay Tanya na nagpakilig sa mga netizens.

“Walang sawang pagpapasalamat sa pagmamahal at pagtitiyaga mo sa akin… Mahal na mahal kita my Wonder Woman! Happy Birthday Mahal.” ang pagbati ni Vhong sa kanyang wifey.

Kim bumilib sa 5 tatakbong pangulo ng Pinas: Kailangan natin ng leader na in-love sa hustisya hindi sa pera

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Vhong humagulgol sa kulungan nang iwan na ng asawa: Makikita mo talaga sa mukha niya bagsak…pinipilit niyang kumain

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending