Payo ni Ina Raymundo sa lahat ng mga nagpaparetoke: 'I have no judgment...pero ang advice ko lang, not too much' | Bandera

Payo ni Ina Raymundo sa lahat ng mga nagpaparetoke: ‘I have no judgment…pero ang advice ko lang, not too much’

Ervin Santiago |April 03,2023
facebook
share this

Payo ni Ina Raymundo sa lahat ng mga nagpaparetoke: ‘I have no judgment…pero ang advice ko lang, not too much’

Ervin Santiago - April 03, 2023 - 06:56 AM

Payo ni Ina Raymundo sa lahat ng mga nagpaparetoke: 'I have no judgment...pero ang advice ko lang, not too much'

Ina Raymundo

PINAYUHAN ng aktres at tinaguriang “celebrity hot mama” na si Ina Raymundo ang mga taong nagpaparetoke sa iba’t ibang bahagi ng kanilang katawan.

Ipinagdiinan ni Ina na wala siyang issue sa mga sumasailalim sa cosmetic o plastic surgery para mas mapaganda pa o mas ma-enhance ang kanilang mga itsura.

Aniya, sa nakaraang episode ng “Fast Talk with Boy Abunda,” kung ikaliligaya at ikaka-boost ito ng confidence ng isang indibidwal, why not! Basta ang mahalaga ay wala silang inaapakan o inaagrabyadong ibang tao.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ina Raymundo (@inaraymundo95)


Pero sabi ng aktres at celebrity mom, sana’y maghinay-hinay lamang sa pagpapabago ng itsura at katawan dahil siguradong meron din itong epekto sa mga taong “nagpapagawa.”

“I have no judgment kung sinong may gustong gawin ‘yun para ma-boost ‘yung confidence nila. But ang advise ko lang, not too much,” ang paalala ni Ina.

Baka Bet Mo: Ina Raymundo nilayasan si Brian Poturnak sa kanilang first date: ‘Sobrang pinapainom niya ‘ko, kaya natakot ako’

Binigyang-diin pa ng dating sexy star na maraming nakararanas ngayon ng body dysmorphia, lalo na sa mga kababaihan.

Ayon sa isang health website, ang body dysmorphic disorder (BDD), o body dysmorphia ay isang “mental health condition where a person spends a lot of time worrying about flaws in their appearance.

“These flaws are often unnoticeable to others. People of any age can have BDD, but it’s most common in teenagers and young adults. It affects both men and women.”

“It’s really sad if you think about it na wala naman mali sa ‘yo but you keep changing your looks,” ang pahayag pa ni Ina.

Inamin din ng aktres na meron din siyang mga insecurities sa katawan, kabilang na riyan ang mga stretch marks niya sa tiyan. Pero sa kabila nito, hindi pa rin niya naisip na sumailim sa surgical operations para mawala ang mga ito.

Kamakailan, marami ang napa-wow at napanganga sa kaseksihan ni Ina nang rumampa siya para sa summer fashion show ng isang local clothing brand. Komento ng lahat ng nasa event, “Grabe! Hindi siya tumatanda at sexy pa rin kahit ilang beses nang nanganak.”

Sa isa naman niyang Instagram post, ibinandera ni Ina ang napaka-powerful na mensahe para sa lahat ng kababaihan all over the universe.

“Be kind, be strong, be you,” ang caption ng aktres sa kanyang selfie photo.

Lima na ang anak ngayon ni Ina – sina Erika, Jakob, Mikaela, Anika at Minka.

Pagiging ‘hot mama’ ni Ina Raymundo hindi tanggap noon ng 2 anak, hirit daw ni Jacob Poturnak: ‘I wish you were a normal mom’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ina Raymundo naging ‘instant nurse’ nang magka-COVID-19 ang pamilya, nag-share ng first-aid tips

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending