Leading man ni Bela sa 'Yung Libro sa Napanood Ko' na si Yoo Min Gon umiiyak habang nasa premiere night: 'Super punas na siya ng luha' | Bandera

Leading man ni Bela sa ‘Yung Libro sa Napanood Ko’ na si Yoo Min Gon umiiyak habang nasa premiere night: ‘Super punas na siya ng luha’

Ervin Santiago - April 02, 2023 - 10:43 AM

Leading man ni Bela sa 'Yung Libro sa Napanood Ko' na si Yoo Min Gon umiiyak habang nasa premiere night: 'Super punas na siya ng luha'

Yoo Min Gon at Bela Padilla

INAMIN ng actress-director na si Bela Padilla na inatake siya ng matinding kaba bago magsimula ang premiere night ng pelikula niyang “Yung Libro Sa Napanood Ko” under Viva Films and Whiskey Marmalade Productions.

Inaalala ng aktres kung magugustuhan kaya ng manonood ang entry nila sa 2023 Summer Metro Manila Film Festival lalo pa’t meron itong subtitles, kaya kailangan pang magbasa ng moviegoers.

Napanood na rin namin ang movie sa naganap na premiere night sa SM Megamall Cinema 1 last Friday, March 31 na dinaluhan ng cast members at production staff sa pangunguna ni Bela (siya rin ang nagsulat at nagdirek) at ng leading man niyang si Yoo Min Gon.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bela Padilla (@bela)


In fairness, maayos naman ang pagkakagawa ni Bela sa movie, na kinunan pa nga sa South Korea. Pero  parang nakulangan lang kami sa mga magagandang lugar doon na ipinakita sa pelikula – kumbaga nakakabitin ang pag-iikot sa Seoul.

Pero sa kabuuan, masasabi naming okay ang movie lalo na sa mga kababayan natin na gustung-gustong magpunta, magbakasyon at magtrabaho sa Korea.  Winner din ang twist ng kuwento sa bandang ending na siguradong ikatutuwa ng manonood.

Samantala, ibinuking naman ni Bela na naiyak ang partner niya sa pelikula na si Yoo Min Gon habang nanonood sila sa premiere night.

“Napanood na niya ito. First time namin parehas panoorin sa sinehan pero napanood niya, kasi nagpatulong kami sa subtitles.

Baka Bet Mo: Kathryn na-shock sa regalo ni Mommy Min; napayakap pa kay Daniel

“Gusto kong i-check niya kung nagta-translate yung humor, yung drama. Kasi iba yung isinulat mo lang yung translation word for word.

“Gusto ko yung essence nu’ng conversations, lumabas talaga. So since siya, nabasa niya ang buong script and nandun siya nu’ng nag-shooting, alam niya yung gusto naming sabihin.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bela Padilla (@bela)


“Nagtanong kami kung puwede niya kaming tulungan sa subtitles. Actually, napanood na niya itong movie before. Pero kanina, nagulat ako, umiiyak siya. Pagtingin ko sa kanya, super punas na siya ng luha,” pahayag ni Bela.

Pagpapatuloy pa niya, “Pero I understand the feeling. Kasi ganyan na ganyan ang pakiramdam ko nung first premiere night ko ever, the first time na nabigyan ako ng break.

“Parang, I get the overwhelming feeling na parang, ‘Ah, eto na yung ginawa namin! Napapanood ko na siya sa big screen!’ Siguro nadadala rin siya na nagre-react kanina ang mga tao lalo na sa ibaba,” dugtong pa ng aktres at direktor.

At bago nga magsimula ang premiere screening ng “Yung Libro Sa Napanood Ko” iniisip ni Bela kung, “Maa-appreciate ba nila lalo’t may subtitles, kailangang basahin?” lahad ni Bela after the screening.

“Pero lahat ng reaction na hinihintay ko, tumatama. Like, lahat sabay-sabay tumatawa kung saan dapat tumawa. So I’m happy kasi yung ilang buwan namin na ine-edit and pinagpaguran, at least napanood na finally,” sabi ng dalaga.

Ka-join din sa cast ng movie sina Lorna Tolentino at Boboy Garrovillo, at mapapanood na bilang bahagi ng 1st Summer MMFF simula sa April 8 at tatagal hanggang April 18.

Ngayong hapon naman magaganap ang Parade of Stars ng 1st Summer MMFF, 4 p.m., na magsisimula sa Commonwealth Avenue, Quezon City at daraan sa Villa Beatriz papuntang Quezon Memorial Circle.

Hindi pagdalo ni Edu Manzano sa presscon at premiere night ng ‘Mamasapano’ nababahiran ng intriga

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

JK Labajo pinatunayan ang galing sa pagkanta at pagdadrama sa ‘Ako Si Ninoy’; Vince Tañada may inamin sa premiere night

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending