Carlo Aquino pabata nang pabata ang ka-loveteam: ‘Happy naman, kasi kailangan ko ng trabaho, may anak na ‘ko’
MUKHANG promising naman ang bagong pelikula ng Kapamilya star na si Carlo Aquino na kasama sa Magic 8 ng 1st Summer Metro Manila Film Festival, ang “Love You Long Time”.
Makakasama niya rito ang kapwa niya Star Magic artist na si Eisel Serrano, na unang beses namang magbibida sa nasabing pelikula.
Ayon kay Carlo, hindi naman siya nahirapang makabuo ng rapport kay Eisel dahil nabigyan sila ng chance na makapag-bonding at maging close habang nasa shooting ng “Love You Long Time” mula sa produksyon ng Studio Three Sixty.
View this post on Instagram
“Lock-in kasi ang shooting that time dahil 2021 namin ginawa itong movie kaya marami kaming time to bond. Bago mag-shoot tambay, after ng shoot tambay,” pahayag ni Carlo sa ginanap na mediacon ng movie sa Kamuning Bakery Cafe last Wednesday.
Paano naman niya inalalayan si Eisel sa kanilang mga eksena bilang siya nga ang mas matagal sa showbiz? “Marami namang nagga-guide kay Eisel that time, including si direk JP. Hindi ko kasi alam kung nasusuportahan kita pero kung ano ang naibibigay ko paano ba kita na-guide.”
Sabi naman ni Eisel, “Siyempre may mga tanong din ako sa kanya that time and super patient si Carlo kasi siyempre bago lang ako at may mga nauulit na scenes.
Baka Bet Mo: Carlos Agassi nagka-freak gym accident: Kukunin ko pa lang ‘yung weights, nadulas na ako
“At marami silang sinasabi sa akin at minsan naguguluhan pero nakitaan ko siya ng patience. Hindi siya nagagalit, hindi siya nagre-react, walang attitude,” sabi pa ng aktres.
“Na-launch po kasi ako before pandemic happens right after so medyo limited pa po ang nagawa ko pero I’ve done four episodes of MMK, then yung movie na ‘Anak ng Macho Dancer’ and ‘Kontrabida’ na hindi pa naipapalabas with Ms. Nora Aunor,” chika pa ng Kapamilya actress.
Ano naman ang naging reaksyon niya nang malamang si Carlo ang leading man niya sa kanyang launching movie? “To be honest po at first nagulat ako siyempre ang ine-expect ko iyong mga ka-level…mga kaedad, iyong mga ka-batch.
“Pero hindi naman ganoon kalayo ang aming edad. Siyempre may intimidation po roon at kinakabahan kasi Carlo Aquino iyan. Pero when we were shooting na the movie hindi naman po iyon ipinakita ni Carlo iyon sa akin.
“Sobrang bait po at hindi ipinaramdaman na bago ako at matagal na siya, veteran na siya kaya hindi ko rin ine-expect na magkakatrabaho kami. Kaya hindi po ako nahirapan at naging maganda ang pagsasama namin sa pelikula,” aniya pa.
View this post on Instagram
Papuri pa niya sa aktor, “Ang galing din kasi ng personality ni Carlo he could reach out and know you personally para hindi ka mahihiya sa kanya.
“Siguro it’s part of the job or part of the process of the project pero nakitaan ko rin po siya ng pagkatotoo rin kaya nakilala ko rin siya kaya as the project goes on hindi na po ako nailang,” dagdag pa ng dalaga.
Samantala, hiningan din ng reaksyon si Carlo tungkol sa kanyang leading lady na masasabing baguhan pa lang sa larangan ng pag-arte, “Yes first time. Para lang akong nakasimangot pero mukha ko lang iyon hindi naman ako masungit.
“Siguro malaking bagay din po iyong mga katrabaho namin the staff mga nakatrabaho na rin kaya pagdating namin sa shoot yung bonding namin with Eisel parang as a barkada.
“And siyempre kailangan kong makagawa ng chemistry sa kanya kahit sa pelikula hindi kami nagkikita pero importante pa rin po iyon lalo na sa mga conversation na tulad ng ginawa namin sa movie.
“Unang kita namin sa look test and at saka yung nakitaan siya ng potensiyal and meron talaga siya sa acting and as a person,” lahad pa ni Carlo.
Ano naman ang feeling na pabata nang pabata ang nakaka-partner niya? “Happy, kasi kailangan ko ng trabaho, may anak na ako. Ha-hahahaha! Pero thankful hindi naman mawawala iyon and siguro kasama na iyong pagmamahal ko sa trabaho at industriyang ginagalawan natin.
“Thankful din ako parang mas lalong dumami ang gumagawa ng pelikula simula ng pandemic though hindi naman ako thankful sa pandemic.
“Pero dumami ang gumagawa ng pelikula na noon eh, hindi naman sila gumagawa nabibigyan ng chance yung mga bago at yung mga luma na magkaroon ng chance na makapagtrabaho. Thankful na nakakagawa pa rin ako ng pelikula at this age,” sey pa ni Carlo.
Iikot ang kuwento ng pelikula sa young romance screenwriter na nabigo sa pag-ibig na nakaapekto sa kanyang pagsusulat. Hanggang sa ma-in love siya sa isang mysterious guy from the past.
Carlo Aquino hindi nawala ang pagmamahal kay Trina: Nanay siya ng anak ko
Bakit nga ba nagdalawang isip si Carlo Aquino na tanggapin ang ‘Expensive Candy’?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.