Bea, Maja nagpaka-fan girl sa muling pagkikita nina Heart at Jericho; original Star Magic artists nag-effort para kay Mr. M
MISMONG ang mga anak-anakan ng sikat na starbuilder na si Johnny Manahan o Mr. M ang nag-organize ng kanilang star-studded at bonggang reunion.
Maraming showbiz fans ang natuwa at nasenti sa muling pagsasama-sama ng naglalakihang celebrities ng ABS-CBN (noon at ngayon), lalo na ang mga original Star Magic talents kung saan naka-bonding nga nila uli si Mr. M.
Nangyari ang nasabing private get-together at reunion nitong nagdaang Martes, March 28, na dinaluhan ng ex-couple na sina Heart Evangelista at Jericho Rosales, sina Piolo Pascual, John Lloyd Cruz, Bea Alonzo, Diether Ocampo at Maja Salvador.
Sa isang litratong nakita namin ay kasama nina Heart at Maja ang young actor na si Kyle Echarri.
Ang chika, talagang nag-effort ang mga nabanggit na celebrities para magsama-sama uli kasama ang tatay-tatayan nilang si Mr. M bilang belated birthday celebration na rin ng dating Star Magic head na nagdiwang noong February 11.
Sobrang nag-enjoy daw talaga ang lahat ng dumalo sa party na inabot ng 3 a.m.. kaya naman super happy and thankful si Mr. M dahil sa pasorpresang ginawa sa kanya ng mga dating alaga.
Baka Bet Mo: Heart Evangelista, Jericho Rosales muling nagkita, hirit ng fans: ‘Reunion project when?’
Samantala, usap-usapan din ang pagpapaka-fan girl nina Bea at Maja nang magkasama muli ang ex-partners na sina Heart at Jericho makalipas ang mahabang panahon.
Pinusuan at ni-like naman nang sandamakmak na netizens ang reunion photo nina Piolo, Diether, Jericho at John Lloyd. Nag-request pa ang mga fans na sana’y magsama-sama uli ang apat na aktor sa isang bonggang project.
Related Chika:
Mr. M tinanggap ang hamon ng GMA; gustong makatrabaho sina Alden, Dingdong, Marian at Heart
Piolo binigyan ng tribute si Mr. M: Hindi lang siya basta manager, naging tatay din namin siya
Mr. M parang nabuhay daw uli dahil sa GMA: Mahirap tanggihan yung offer nila
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.