Carlo Aquino hindi nawala ang pagmamahal kay Trina: Nanay siya ng anak ko | Bandera

Carlo Aquino hindi nawala ang pagmamahal kay Trina: Nanay siya ng anak ko

Reggee Bonoan |March 31,2022
facebook
share this

Carlo Aquino hindi nawala ang pagmamahal kay Trina: Nanay siya ng anak ko

Reggee Bonoan - March 31, 2022 - 08:02 PM

Carlo Aquino hindi nawala ang pagmamahal kay Trina: Nanay siya ng anak ko

MUKHANG hindi apektado ng COVID-19 pandemic si Carlo Aquino dahil kaliwa’t kanan ang movie at TV projects niya na base na rin sa kuwento niya ay nakagawa siya ng tatlong pelikula noong nakaraang taon.

Nakatsikahan namin si Carlo sa face-to-face mediacon ng YouTube series na “How To Move On in 30 Days” na ginanap sa Dolphy Theater nitong Miyerkoles ng hapon.

“Last year gumawa ako tatlong pelikula, ‘yung isa si Eisel Serrano taga-Star Magic din siya na ‘Love You Long Time’. Si Eisel is 24 (years old), tapos kay Lovi (Poe) ‘Seasons’ then kay Juju, kay Julia Barretto, ‘Expensive Candy’ for Vivamax. Tapos nu’ng Feb (2022), ginawa namin ito (How to Move On in 30 Days), kaya nagpapasalamat ako dahil sobrang blessings,” kuwento ng aktor.

Kaya niya nabanggit isa-isa ang projects niya ay dahil napuri siya na sa edad niyang 35 ay boyish looking pa rin si Carlo at puwede pa rin siyang itambal sa mga aktres na early 20’s ang edad tulad nga na lang kay Maris Racal na edad 24.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Carlo Aquino (@jose_liwanag)

 

Nangingiti naman ang binatang ama kapag nasasabihan siyang mukhang bagets pa rin at mas lalo siyang natawa nang ipakilala siya ng host ng mediacon na si Eric John Salut ng, “Best Child Actor pa rin siya for me.”

At dahil napaka-busy ni Carlo ay kinumusta siya bilang tatay ni Enola Mithi, anak nila ng vlogger/model na si Trina Candaza.

“Masarap na makita ‘yung semilya mo, ha, ha, ha,” tumawang sagot ng aktor.

Nagkatawanan din ang lahat ng entertainment media/vloggers sa sinabing ito ni Carlo.

“Ha, ha, sorry, ha, ha. Hindi ang sarap kasi meron pa palang ibang pagmamahal na hindi ko pa alam. Ang sarap lang na ‘yung pinagta-trabahuan mo hindi na lang para sa ‘yo, para sa anak mo na.

“At saka ang sarap talagang amuyin minsan natutulog sa akin tapos kahit awkward ‘yung posisyon mo hindi ka gagalaw kahit two o tatlong oras na nakahiga ngawit na ngawit ka na hindi mo na maramdaman ‘yung kamay mo basta hindi lang magising ‘yung anak mo,” masayang paglalarawan ni Carlo kapag kasama si Mithi.

Anu-ano ang bonding moments nila ng unica hija niya?

“Pag-uuwi ako from lock in (shoot), maglalaro lang kami sa play room doon sa doll house na ibinigay ng sister ko para sa kanya, tapos minsan nag-a-out of town punta lang sa farm,” sambit ng proud dad ni Mithi.

Binanggit namin na ang latest post niya na karga ang anak ay kuha nga sa farm na ayon sa kanya ay sa Tanay, Rizal lang.

“Sa Tanay lang, masarap, malamig. Hindi sa akin ‘yun, nakita ko lang online. Wala pa tayo ipapang-farm,” tumawang sabi ni Carlo.

Nasambit din namin ang lupa niya sa Laguna na pagtatayuan niya ng bahay na titirhan ng pamilya niya na ikinagulat niya kung paano namin nalaman.

“Paano mo nalaman? Grabe! ‘Yun na ang sunod kong gagawin, ‘yung dreamhouse,” saad nito.

Tinanong namin kung anong visitation schedule niya kay Mithi kung weekend o any day.

“Kasi pag may event medyo expose, so, mag-antay akong one week. Pero pag hindi naman, nakikita ko naman si Mithi,” sabi ni Carlo.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Carlo Aquino (@jose_liwanag)

 

May overnight schedule rin daw sa kanya ang anak pero kapag sunud-sunod ang lakad niya tulad ngayong may promo siya ng “How to Move On in 30 Days” ay hindi niya nakakasama.

Natuwa rin ang aktor dahil unti-unti nang bumabalik ang face-to-face presscon pagkalipas ng mahigit dalawang taon.

“Nandoon lang tayo sa maliit na (camera) laptop.”

In connection sa titulo ng YouTube series na idinirek nina Dick Lindayag at Benedict Mique for ABS-CBN at Dreamscape Entertainment in collaboration with YouTube ay natanong si Carlo kung ilang days siya mag-move on dahil open book naman na hindi na sila nagsasama sa iisang bahay ng mama ni Mithi na si Trina.

“Hindi ko alam, e, dapat ba may timeline? Wala yatang timeline pagka ganu’n, eh,” say nito.

Kumusta na siya ngayon, “Inaano ko lang siguro. Inaalagaan ko ‘yung present para ‘yung past hindi na mag jump sa future? Makes sense ba ‘yun?”

Wala na bang pag-asa ‘yung past na maging present and future?

“Hindi ko alam, eh. Ayokong magsalita ng tapos. Kung ano ‘yung ibigay ng universe siyempre tatanggapin mo ‘yun, wala ka namang magagawa, eh. ‘Yun ‘yung nakasulat sa palad mo, eh,” sagot ng aktor.

Okay sila ni Trina, “oo nag-uusap kami civil naman kami and ‘yun naman ‘yung importante kasi siyempre para kay Mithi.”

 

View this post on Instagram

A post shared by Carlo Aquino (@jose_liwanag)

 

Sa tanong namin kung nakikipag date siya, “ngayon? Hindi, eh..wala.”

Sa tanong namin kung nandoon pa rin ang love niya kay Trina.

“Always, always. Palagi naman ‘yun. Nanay siya ng anak ko,” diretsong sagot ni Carlo.

Hindi rin alam kung anong naging dahilan kaya sila naghiwalay at naganap nga raw ito noong nakaraang taon, 2021.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang “How To Move On in 30 Days” ay mapapanood na sa ABS-CBN YouTube channel simula sa Abril 4 at kasama rin sa series sina Maris Racal, Phoemela Baranda, John Lapus, Albie Casino, Jai Agpangan, Sachzna Laparan, Kyo Quijano, Sherry Lara, Poppert Bernadas, Hamie Harrar, Elyson de Dios at James Bello, sa direksyon nina Benedict Mique at Dick Lindayag.

Related Chika:
Carlo Aquino, Trina Candaza hiwalay na nga ba?

Trina Candaza iniwan na ang bahay nila ni Carlo, lumipat sa condo kasama ang anak

Carlo sa pagmu-move on: Walang timeline, proseso ‘yan hanggang sa mawala na lang…OK next!?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending