Gabby 'best & worst date' ang first date: 'Nawalan ako ng gasolina kaya nagtulak ako but after that, naging kami na' | Bandera

Gabby ‘best & worst date’ ang first date: ‘Nawalan ako ng gasolina kaya nagtulak ako but after that, naging kami na’

Ervin Santiago - March 29, 2023 - 08:35 AM

Gabby 'best & worst date' ang first date: 'Nawalan ako ng gasolina kaya nagtulak ako but after that, naging kami na'

Gabby Concepcion

NAKAKAALIW at nakaka-good vibes panoorin ang mga video ng Kapuso veteran actor na si Gabby Concepcion sa kanyang YouTube channel.

Sa bago niyang vlog, nagbahagi si Gabby ng ilang kaganapan at detalye sa kanyang personal life na hindi pa alam ng kanyang mga fans at social media followers.

Game na game sinagot ng aktor ang ilang controversial at intriguing questions kabilang na ang tungkol sa pakikipagrelasyon, pakikipag-date, at mga crush sa showbiz.

Sa isang bahagi nga ng kanyang vlog, ibinuking ni Gabby na ang kanyang first date ang itinuturing niyang worst date at best date.

Pagbabahagi ni Gabby, “Naalala ko my first worst date I was in junior highschool. Nag-date ako tapos nawalan ako ng gasolina. Nagtulak ako.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Gabby Concepcion (@concepciongabby)


“My best date naman was also my first date. After that date, naging kami,” ang chika pa ng Kapuso actor na bibida sa bagong serye ng GMA 7 na “Stolen Life” kasama sina Carla Abellana at Beauty Gonzalez.

Baka Bet Mo: Mega hindi papayag na basta na lang mabura ang tambalang Sharon-Gabby sa showbiz

Sa tanong naman kung sinu-sino sa mga female celebrities ngayon ang masasabi niyang perfect 10 ay medyo nahirapang mamili si Gabby.

“Kung sino yung perfect 10 na showbiz personality? Maraming 10. Mahirap mamili ng isa lang.

“Sa channel 7 pa lang ang daming 10. Sa totoo lang maraming magagaling ngayong mag-make up, hindi lang make up, magaganda talaga magdala ng sarili, nag-e-exercise sila, fit sila.

“I think everybody is a 10 in their own way, sa kanilang standards. Nobody is perfect pero marami sa kanila I could say close to perfect,” pahayag ng aktor.

Natanong din si Gabby kung sino ang kanyang young celebrity crush, “Wala naman akong crush na celebrity, pero marami akong hinahangaan tulad ni Vilma Santos, si Lorna Tolentino, sila Amalia Fuentes.

“At ang pinakaunang nanay ko sa showbiz noong ginawa namin ang pelikulang Katorse, walang iba kung hindi si Ms. Celia Rodriguez,” lahad pa ng tatay ni KC Concepcion.

By the way, gaganap si Gabby bilang Darius sa Kapuso series na “Stolen Life” na mapapanood na sa July 3 mula sa direksyon ni Jerry Lopez Sineneng.

Xian may nakakalokang hugot sa oil price hike: ‘Ayoko na…pag nagmamahal ako, ang daming taong nagagalit’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Gabby kay Sanya: Madaling mai-in love sa kanya ang kahit na sino dahil…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending