Sam umiiwas mag-flex ng personal life sa socmed: Ang problema kasi it’s so toxic, we live in a society where we love to judge
HINDI feel ng Kapamilya hunk na si Sam Milby ang mag-flex sa social media ng mga kaganapan sa relasyon nila ni Miss Universe 2018 Catriona Gray.
Mas gusto pa rin ng binata na gawing pribado ang kanyang lovelife para iwas intriga na rin pero nilinaw niya na hindi naman sa ipinagdadamot nila ito sa mga fans nila ni Catriona.
Ayon kay Sam, talagang sinadya niya na limitahan lamang ang pagpo-post sa social media ng mga kaganapan sa kanyang showbiz career pati na sa personal na aspeto ng kanyang buhay.
Kasabay nito, nagpabas din siya ng saloobin tungkol sa matinding epekto ng kaliwa’t kanang bashing sa social media, lalo na sa mga kabataan na super exposed sa internet.
“I think in the last year, I’ve had maybe two posts. So I can’t say [much] about flexing on social media because I’m not really that active.
“It’s kind of a personal choice and I understand it’s part of the job. Sharing with the fans, I want to,” ang pahayag ng isa sa mga bida ng Kapamiya series na “A Family Affair” sa presscon ng Star Magic digital video magazine na Flex, last Tuesday, October 25.
“Ang problema sa social media, it’s so toxic also. We live in a society where we love to judge, we love to hide behind some profile. Maybe even if you know it’s a troll,” dagdag niya.
Pagpapatuloy pa ni Sam, “I’m more afraid sa mga bata ngayon because their sense of identity is solely on ‘My gosh, hindi nala-like ng mga tao ‘yung photo ko and may comments na ganito.'”
View this post on Instagram
Naniniwala si Sam na marami pa ring magandang epekto ang socmed sa publiko pero nakakabahala at naaalarma rin siya sa pagiging toxic ng ilang netizens lalo na yung mga taong walang ginawa kundi mangnega ng kanilang kapwa.
Pero nilinaw ni Sam na hindi naman ito ang major reason kung bakit hindi siya masyadong nagpo-post mga nangyayari sa kanila ni Catriona off cam.
“With my love life right now… kami ni Cat (Catriona), we want to keep as much as possible, more details about the relationship more private,” ani Sam.
Marami naman ang nagtatanong kung kailan naman magpapakasal ang celebrity couple dahil pareho na naman silang nasa tamang edad and both of them are financially, emotionally and spiritually stable na.
Ngunit mukhang wala pa sa top priorities nina Sam at Catriona ang pagpapakasal dahil may mga sari-sarili pa silang pangarap na nais makamit sa buhay.
Hugot ni Catriona ngayong b-day ni Sam: So sad I can’t be with you today
Gerald, Sam magsasama sa seryeng ‘A Family Affair’, si Ivana pa rin ba ang leading lady?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.