Gerald, Sam magsasama sa seryeng 'A Family Affair', si Ivana pa rin ba ang leading lady? | Bandera

Gerald, Sam magsasama sa seryeng ‘A Family Affair’, si Ivana pa rin ba ang leading lady?

Ervin Santiago |February 28,2022
facebook
share this

Gerald, Sam magsasama sa seryeng ‘A Family Affair’, si Ivana pa rin ba ang leading lady?

Ervin Santiago - February 28, 2022 - 08:54 AM

Ivana Alawi, Sam Milby at Gerald Anderson

ABANGERS na ang mga supporters nina Gerald Anderson at Sam Milby sa bago na namang pasabog na drama series ng ABS-CBN — ang “A Family Affair.”

In-announce ang good news na ito last Wednesday sa “Kapamilya Strong 2022” event kung saan muling nag-sign ng exclusive contract sina Gerald at Sam sa ABS-CBN.

Walang ibang detalyeng nabanggit ang dalawang aktor tungkol sa nasabing project pero isa nga ito sa pasilip ng Star Magic kung saan may ipinakitang tulo ng dugo na na posibleng siyang tema ng serye.

Sa isang bahagi ng Star Magic mediacon matapos ang naganap na contract signing, nagkatuksuhan nga ang dalawang Kapamilya hunk kung saan tinawag ni Gerald si Sam na “Kuya.” 

Kaya ang naisip namin, baka magkapatid ang magiging role nila sa bagong Kapamilya drama series.
Kung hindi kami nagkakamali, unang ipinakita ang teaser ng “A Family Affair” noong December, 2021 sa ginanap na ABS-CBN Christmas special kung saan nag-perform sina Gerald at Sam kasama ang isa pang Star Magic artist na si Ivana Alawi.

Kasunod nito ang announcement ng sexy star at vlogger sa kanyang Instagram account na magbabalik na siya sa acting kaya ang naisip ng madlang pipol siya ang magiging leading lady nina Sam at Gerald.

Huling napanood si Sam sa primetime series na “Ang Sa Iyo Ay Akin” kasama sina Iza Calzado at Jodi Sta. Maria habang ang last series naman ni Gerald sa ABS-CBN ay ang sexy-drama na “Init sa Magdamag.”

View this post on Instagram

A post shared by Star Magic (@starmagicphils)


Samantala, sa 16 years niya sa mundo ng showbiz mula nang maging housemate siya sa kauna-unahang edisyon ng “Pinoy Big Brother”, napakarami nang natutunan ni Sam sa pagiging aktor.

Kaya naman natanong ang aktor kung ano ang maipapayo niya sa mga aspiring artists, “Dapat tama ‘yung placement ng passion niyo hindi dahil gusto niyong sumikat.

“I think it’s ‘yung passion sa acting because if gusto niyo lang sumikat, I think that ‘yung purpose of why you want to become an actor is wrong. I think it should be ‘yung passion sa acting.

“We give out the best content and ABS-CBN, with me, we look out for the best interest and ako sobrang grateful ako, paglabas ng PBB house, my 16 years of business has been fruitful.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“I’ll forever be grateful to ABS-CBN and this new contract, of course. Thank you so much. As long as ABS-CBN needs me, nandito lang ako,” sabi pa ni Sam.

Sam Milby nagluluksa sa pagkamatay ng ama

Hugot ni Catriona ngayong b-day ni Sam: So sad I can’t be with you today

Pinoy pageant fans abangers na sa pagrampa ni Tracy Perez sa 70th Miss World; malakas daw ang laban

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending