Ivana umaming super crush si Sam, pero takot na takot sa unang araw ng taping nila para sa 'A Family Affair' Bandera

Ivana umaming super crush si Sam, pero takot na takot sa unang araw ng taping nila para sa ‘A Family Affair’

Ervin Santiago |May 29,2022
share this

Ivana umaming super crush si Sam, pero takot na takot sa unang araw ng taping nila para sa ‘A Family Affair’

Ervin Santiago May 29, 2022 - 01:11 PM

Jake Ejercito, Sam Milby, Jameson Blake, Ivana Alawi at Gerald Anderson

WALANG arte-arteng inamin ni Ivana Alawi na crush na crush niya noon ang Kapamilya hunk actor at singer na si Sam Milby.

Sa solo virtual presscon ng ABS-CBN para kay Ivana na bibida nga sa upcoming drama series na “A Family Affair”, nagpakatotoo ang dalaga sa “feelings” niya dati para kay Sam Milby.

Sa simulang bahagi ng online mediacon, ibinahagi ni Ivana na siguradong masa-shock ang madlang pipol sa magiging transformation niya sa kanilang upcoming sexy drama.

“Ang mae-expect mo rito, hindi ito si Ivana Alawi. It’s really a different person na. Kasi masayahin akong tao.

“Meron kaming similarities ni Cherry Red pero very deep itong story na ito so you will really see a whole different Ivana. Because this is very, very intense.

“Yung story talaga niya is sobrang ganda so ang dami mong makikitang emotions. It’s a very, very different Ivana kasi nakikita niyo naman palatawa ako,” excited na kuwento ng Kapamilya sexy star.

Aniya pa, “Sa vlog nakikita niyo yung tunay kong ugali. Pero this is more of a dramatic, sensual and ibang klaseng Ivana. Promise abangan niyo.”

At dito na nga siya napaamin kung sino sa apat na leading man niya sa serye na sina Gerald Anderson, Sam Milby, Jake Ejercito at Jameson Blake ang looking forward siyang makatrabaho at makaeksena.

“Ang pinaka-excited ako kasi pinapanood ko na sila before is Gerald and Sam so I was very excited to work with them. Si Sam crush na crush ko siya dati.

“Napanood ko siya sa mga movies at teleserye niya sa ABS-CBN. Kaya nga natatakot ako.

“Siyempre kapag naging crush mo isang tao tapos makakatrabaho mo, tapos feeling ko nga very intimidating siya. Pero hindi pala. Kabaliktaran pala. He’s a very, very nice person. Sobra!” pahayag ni Ivana.

Inamin din ng 25-year-old vlogger na nahiya at na-intimidate siya sa unang araw ng kanilang lock-in taping.

“Si Sam takot din ako na makatrabaho kasi feeling ko sobrang tagal na sa industriya, sobrang galing, and feeling ko professional siya.

“So parang natatakot ako makaeksena siya. Pero nu’ng first time namin nagkita, puro siya biro. Gusto niya comfortable kaming lahat.

“And everyone dito sa teleseryeng A Family Affair, yung buong cast, hindi ko nararamdaman na trabaho and lahat talaga nagtutulungan.

“Kapag nagte-taping kami parang hindi taping kasi para kaming family talaga. Mapagbiro siya and very welcoming.

“Gusto niya kumportable ka so ayaw niya na may ilangan and he’s going to do everything na mapasaya ka lang at mapatawa, ganu’n,” dire-diretsong kuwento ni Ivana.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ivana Alawi (@ivanaalawi)


Samantala, todo rin ang pasasalamat ni Ivana sa mga co-stars niya na talagang inalalayan siya sa kanilang nga drama moments.

“Tinatanong nila kung anong makakatulong. Like si Sam, minsan nawawala ako tapos sasabihan ko nahihirapan ako, ganyan, ganyan. Tapos minsan pag-uusapan namin.

“Like kay Sam pareho kaming nawalan ng tatay so parang kinukuwento ko na na-fi-feel ko ulit yung emotions.

“Sinasabi niya what can he do to help. So si Sam maalaga din. Kapag nahihirapan ako, kakapit na ako sa kanila na ‘Hindi ako maka-arte’ tapos very supportive talaga sila,” sey ni Ivana.

Ang “A Family Affair” ay mula sa direksyon nina Jerome Pobocan at Raymund Ocampo at mapapanood na very soon sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, TV5, at iWantTFC.

Ivana Alawi ikinumpara sa ‘bulalo’ sina Gerald Anderson at Sam Milby

Gerald, Sam magsasama sa seryeng ‘A Family Affair’, si Ivana pa rin ba ang leading lady?

Ivana aminadong nakakausap si Joshua: Alam ko nasa taping siya…

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending