Ejay Falcon pinakasalan na si Jana Roxas makalipas ang 7 taong relasyon: 'Baby, hindi ko maipapangako na magiging perfect husband ako, pero...' | Bandera

Ejay Falcon pinakasalan na si Jana Roxas makalipas ang 7 taong relasyon: ‘Baby, hindi ko maipapangako na magiging perfect husband ako, pero…’

Ervin Santiago |March 26,2023
facebook
share this

Ejay Falcon pinakasalan na si Jana Roxas makalipas ang 7 taong relasyon: ‘Baby, hindi ko maipapangako na magiging perfect husband ako, pero…’

Ervin Santiago - March 26, 2023 - 09:37 AM

Ejay Falcon pinakasalan na si Jana Roxas makalipas ang 7 taong relasyon: 'Baby, hindi ko maipapangako na magiging perfect husband ako, pero...'

Jana Roxas at Ejay Falcon (Photo from NicePrint Instagram)

DINALUHAN ng mga showbiz personalities at mga kilalang politician ang bonggang kasal nina Oriental Mindoro Vice Governor Ejay Falcon at Jana Roxas kahapon, March 25.

Ginanap ang garden wedding ng celebrity couple sa Enderun Tent, McKinley Hill sa Taguig City. Pitong taon ding naging magkarelasyon ang dalawa bago nagpakasal.

Ilan sa mga principal sponsors sa wedding nina Ejay at Jana ay sina  Sen. Miguel Zubiri, Sen. Sherwin Gatchalian, Sen. Bong Go, Star Magic head Lauren Dyogi, Lorna Tolentino at ang CEO at President ng Beautederm Corporation na si Rhea Tan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Niceprintphoto (@niceprintphoto)


Tumayo ring ninang at ninong ang mag-asawang Sylvia Sanchez at Art Atayde.  Kabilang din sa entourage nina Ejay at Jana sina Aljur Abrenica, Jake Cuenca at Joseph Marco.

Isa sa naging highlight ng garden wedding ng bagong kasal ay ang kanilang “kissing scene” na tumagal ng 10 segundo  habang tumutugtog ang kantang “Till I Met You”.

Si Jed Madela naman ang nagsilbing wedding singer sa naganap na kasalan.

Narito ang bahagi ng wedding vow ni Ejay para sa kanyang bride, “Paulit-ulit, mahal kita Jana Roxas. Mahal kita, baby. Pasensiya na po mahaba talaga, e, ilang oras po ito.”


“Simula pa lang ito ng mas maraming masasayang moments with you. I know hindi ito magiging perfect, marami pa ring challenges o pagsubok, pero kakayanin natin together.

“Baby, hindi ko maipapangako na magiging perfect husband ako. Alam ko, maraming pagkakataon na mawawalan ako ng oras dahil sa katungkulang ipinagkatiwala sa akin ng Oriental Mindorenos.

Baka Bet Mo: Ejay Falcon inalala ang pagiging kargador sa Mindoro; tuloy na ang pagtakbo sa 2022?

“Alam kong may mga moments na puwede kang mapagod sa pag-intindi sa sumpong ko. Alam kong darating ang pagkakataon na meron tayong di pagkakaunawaan, may mga oras na mag-aaway tayo sa mga bagay-bagay.

“Pero, baby, sana sa mga oras na yun, huwag mo akong bibitawan,” ang mensahe pa ng Pinoy Big Brother Teen Edition Plus big winner.

Pahayag naman ni Jana, “Vice Gov Ejay, my baby, today, surrounded by all our loved-ones, I am the happiest woman in the room because I am marrying my best friend and the love of my life.

“Seven years ago, hindi ko inakala that God would bless me with the most beautiful gift, which is you.

“Sabi mo nga, nagsimula tayo bilang magkaibigan. At tama ka, mabilis ako na-in love sa iyo, dahil nakita ko na hindi ka lang guwapo, siyempre, at may abs nung time na iyon.”


Pagpapatuloy pa ng StarStruck Avenger, “Baby, gusto kong magpasalamat sa iyo sa araw na ito dahil tinupad mo yung matagal ko nang pinagdarasal kay God: Yung makahanap ako ng taong mamahalin ako nang buung-buo, ng taong makakasama ko sa hirap at ginhawa.”

Hirit pa ni Jana na ikinatawa ng kanilang mga bisita, “Pinapangako ko sa iyo, hindi ako magiging perfect wife, pero ita-try ko ang best ko na maging perfect para sa iyo at sa mga future babies natin. O, babies, bawal laging sabihing pagod.”

Vice Gov Ejay Falcon, Jana Roxas engaged na; planong marriage proposal sa flag ceremony hindi natuloy

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ano nga ba ang matagal nang ‘bubog’ ni Christopher Roxas kay Ogie Diaz?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending