Arci Muñoz dinenay na dyowa niya ang pamangkin ni Jinkee Pacquiao na si Seth Jamora | Bandera

Arci Muñoz dinenay na dyowa niya ang pamangkin ni Jinkee Pacquiao na si Seth Jamora

Reggee Bonoan |March 23,2023
facebook
share this

Arci Muñoz dinenay na dyowa niya ang pamangkin ni Jinkee Pacquiao na si Seth Jamora

Reggee Bonoan - March 23, 2023 - 07:52 PM

Arci Muñoz dinenay na dyowa niya ang pamangkin ni Jinkee Pacquiao na si Seth Jamora

Seth Jamora at Arci Muñoz

ANO ba talaga ang real score sa pagitan ni Arci Muñoz at ng pamangkin ni Jinkee Paquiao na si Seth Jamora?

Mariin kasing itinanggi ng aktres na boyfriend niya o naging boyfriend niya si Seth kahit may mga larawan silang nakaakbay ang binata sa kanya at nakahawak naman siya sa waist nito.

Nu’ng kasagsagan ng isyu kina Arci at Seth ay maraming larawang ipinost ang binata sa kanyang Instagram account na magkasama sila.

At ang tingin namin ay sweet moments nilang dalawa iyon, bukod pa ‘yung kasama rin ang aktres sa family picture ng mga Jamora at Pacquiao.

Pero wala naman kaming nakitang ipinost si Arci ng mga larawan nila ni Seth kaya nakapagtataka rin o baka kasi gusto nito ay pribado ang kanyang lovelife dahil at that time ay super fan girl siya sa sikat na sikat na K-pop group na BTS.

Nang makausap ang aktres sa isang event ay natanong siya tungkol kay Seth at ang ipinagdiinan niyang hindi niya ito boyfriend at ang huling nakarelasyon daw niya ay si Anthony Ng na isang Chinese businessman at naghiwalay sila taong 2019.

Baka Bet Mo:  Arci proud ARMY; lumipad pa-Korea makanuod lang ng concert at pumila ng 5 oras para sa BTS merch

Muli naming tsinek ang IG account ni Seth at naka-private na ito kaya hindi na namin makita kung nandoon pa ang mga larawan nila ni Arci at kung pina-follow pa niya ito pero nakita naming pina-follow pa ng aktres ang binata.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Arci Muñoz 🌻 ラモナ 🌸 라모나 (@ramonathornes)


Sa kasalukuyan ay walang karelasyon si Arci at mas focus daw siya ngayon sa kanyang career dahil ilang buwan din siyang nawala sa kasusunod sa BTS, sabi nga niya kailangan na niyang magtrabaho ulit para kumita.

Arci Muñoz aminadong nabaliw sa BTS, natulog sa kalsada ng Korea: ‘Wala na akong pera kaya kailangan ko nang magtrabaho’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Piolo Pascual, Arci Munoz may ‘something’ nga ba?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending