Piolo Pascual, Arci Munoz may 'something' nga ba? | Bandera

Piolo Pascual, Arci Munoz may ‘something’ nga ba?

Reggee Bonoan |June 12,2022
facebook
share this

Piolo Pascual, Arci Munoz may ‘something’ nga ba?

Reggee Bonoan - June 12, 2022 - 02:41 PM

Piolo Pascual, Arci Munoz may 'something' nga ba?

VIRAL ang larawang pinost ni Arci Munoz sa kanyang Instagram account kasama si Piolo Pascual sa Boracay Island kamakailan na umabot sa 218,000 likes as of this writing.

Ang caption ng singer/actress sa larawan nila ni Papa P ay, “My fave time of ze day with one of my fave hooman. @piolo_pascual.”

Base sa mga larawang pinost ni Arci na nasa Boracay siya ay nagpo-floating siya sa dagat, at nakasakay siya sa bangka bukod pa sa pictorial niyang solo siya. Mayroon ding umiinom siya ng tequila.

Sa madaling salita ay walang ipinakitang kasama si Arci maliban kay Piolo na baka nagkita lang din sila roon o baka naman may sinu-shoot o may taping sila for a particular project.

Isa ito sa topic nina Ogie Diaz at co-host niyang si Mama Loi kasama sina Tita Jegs at Dyosa Pockoh na in-upload ngayong araw para sa Showbiz Update YouTube channel nila.

Tanong ni mama Loi kay Ogie, “May something ba dito kay Arci Munoz at kay Piolo Pascual ‘Nay?”

“Ahh, Loi ‘yan ‘yung IG post ni Arci Munoz. Alam n’yo napaka-close talaga niyang si Papa P at Arci Munoz, katunayan noong 2018 sila sobrang naging close nang magkasama sila sa kanilang teleseryeng “Since I Found You”.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Arci Muñoz 🌻 ラモナ 🌸 라모나 (@ramonathornes)

 

“Super-duper close sila at hanggang ngayon, close sila parang magkapatid na ang kanilang turingan.

“Kung sinu-sino na ang na-involve at naka-splitan nila and ending, sila pa rin ang magkaibigan,”paliwanag ng vlogger/talent manager.

Balik-tanong ni mama Loi, “pero ‘nay sa tingin mo, di ba nga soulmates ‘tong dalawa di ba mas madalas kesa minsan na soulmates ang nagkakatuluyan? Sa tingin mo posibleng magkatuluyan sila?”

“Sila lang naman ang nakakaalam niyan Loi, pero siyempre di ba, why not?” kaswal namang sagot ni Ogie na nasa Las Vegas, Nevada na ngayon.

“Pero sa tingin mo ba ‘nay magse-settle rin one-day si Papa P? Di ba hindi naman na siya bumabata. Sa tingin mo mag-end up siya with someone to spend the rest of his life with?” tanong ulit ni mama Loi kay Ogie.

“Ako feeling ko Loi ‘no, si Papa P pagdating sa babae parang malaliman niyang kinikilala ‘yung girl bago niya gustuhin at maging girlfriend,” pahayag ni Ogie.

Nagulit ulit si mama Loi kung ano ang ‘feeling’ nga ni Ogie kay Piolo.

“Huh, hirap! Feeling ko Loi, pinipiga mo lang ako para makuha ‘yung gusto mong sagot,” ganting sagot ni Ogie sabay tawa.

Hirit ni tita Jegs, “Oo nga mama Loi pinipilit mong sumagot si papa O, nang-iintriga ka!”

“Huwag kayong mainip. Darating din ‘yung time na magkaka-girlfriend si Papa P. Everything is timing!” pagtatapos ni Ogie.

Oo nga kami rin ay naiinip na Papa P.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Piolo keribels lang maging Papa P ng bayan: Parang awkward, pero OK lang kesa tawagin kang tito

Dream ni Maja na makasama si Piolo sa isang project, matutupad na!

Arci Muñoz, JM de Guzman: From best friends to lovers!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending