Arci Muñoz, JM de Guzman: From best friends to lovers!
“FROM bestfriends to lovers!” Yan ang ibinandera ng Kapamilya actress na si Arci Muñoz patungkol sa relasyon nila ngayon ni JM de Guzman.
Mula nga sa pagiging magtropa, nagdesisyon ang dalawa na i-level up ang kanilang pagkakaibigan.
Sa kanyang Instagram account, ipinost ni Arci ang isang video kung saan mapapanood ang pagbibigay ni JM ng bulaklak sa kanya na kuha habang nasa dalampasigan sila ng Boracay.
Sabi ng dalaga, “Matagal na tayong mag-best friends pero, pwede bang manligaw?”
Sa caption ito naman ang isinulat ng aktres, “Just really glad that the whole family was able to witness this beautiful moment.” Dito ginamit nga niya ang mgsa hashtag na #mayforever at #frombestfriendstolovers.
Pinusuan at ni-like naman ito ng kanilang fans at IG followers kabilang na riyan ang mga kaibigan nilang celebrities. Nag-reply din si JM sa nasabing post ng isang smiley emoji.
Nag-promise naman si Arci na magbibigay ng mas marami pang detalye tungkol dito sa susunod niyang vlog sa YouTube na mapapanood daw bukas.
Samantala, sa isa pang post ni Arci, nagbigay naman siya ng mensahe tungkol sa kanyang pananampalataya at sa naging realization niya nitong Holy Week.
“Detached myself from this world for a week as part of my penance. Again my heart is full oh Lord. And as I continue to walk through my everyday life.
“I will and always be grateful for everything you bestowed upon me Lord God.
“Today let’s take time to rejoice and be thankful for the gift of life, Love and Joy! Happy easter to all!” ani Arci.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.