Mga bulaklak sa loob ng bahay nina PACMAN at JINKEE, plastik | Bandera

Mga bulaklak sa loob ng bahay nina PACMAN at JINKEE, plastik

- February 22, 2013 - 06:01 PM

Pacquiao Celebrates Mass With Family and Filip[ino Community Prior To His FightSobrang laki ng mansiyon, may  30 kasambahay, pero…

NAKAKATUWA ang mga lumalabas na balita regarding Boxing Champ Manny Paquiao and his socialite echos-wife na si Jinkee dahil kung ilarawan ang kayamanan at ari-arian ay parang sila na nga ang pinakamayamang couple sa bansa natin.

Maybe true naman talaga dahil sa ilang bilyon ang kinita ni Manny sa pagiging bigtime boxer, di ba?

Plus yung napapabalitang pag-acquire nila ng properties especially huge houses ay talagang nakakalula.

Pero ano itong nabalitaan naming sobra nga ang laki ng bahay ng mag-asawa sa kanilang hometown General Santos City pero ang mga bulaklak na naka-display ay puro plastic?

“You cannot buy class,” pagtataray ng isang may kaya naming friend pero hindi naman talaga kayamanan.Tawa kami nang tawa sa maiksing pagtataray nito.

Sabi ko naman sa kanya, normal na sa probinsiya ang mga plastic na bulaklak.

May ganoong mayayaman talaga sa province, ilang bahay na ba ang napuntahan ko sa amin sa Iloilo na ganoon din ang sistema, na magagara talaga ang mga bahay pero ang mga naka-display na flowers ay puro fake.

Mukhang totoo lang tingnan yung iba pero pag hinawakan mo, hindi real.

Yung sa loob lang naman ng bahay ang fake pero ang mga bulaklak sa garden nila ay totoo naman.

Baka tamad lang silang magdilig ng mga tunay na bulaklak sa paso or baka nanghihinayang sa mga fresh flowers dahil hindi naman big deal ito sa mga probinsiya, di ba?

“Okay lang naman iyon pag hindi tauhin ng mga bisita ang bahay mo.

Pero sa status nina Manny and Jinkee na super-sikat at may katungkulan pa sa gobyerno si Manny, natural na may dumadalaw sa kanilang mga bisita every now and then.

Dapat ay mga fresh talaga ang i-display nila.

Mag-hire sila ng gardener or taong mag-aalaga ng mga fresh na halaman sa loob ng bahay.

“Iba rin kasi ang feeling pag real flowers or plants ang naka-display sa loob ng isang mansiyon, di ba?

Nakakagaan ng loob.

Kaya naman nilang i-maintain iyon, di ba?

Sana kung ang utak nina Manny at Jinkee ay tulad nang sa atin, kaya lang, laking-probinsiya nga ang mga iyan at late nang yumaman kaya baka hindi pa sila aware sa kahalagahan ng fresh flowers,” anang isang nagmamalasakit sa kanila.

Anyway, a flower is a flower is a flower and the fresher they are, the better.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kaya lang, how can you determine if a flower is fresh kung plastic ito? Sige nga. Ha-hahaha!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending