Banat ni Kakai Bautista sa mga bitter: ‘Hoy inggitera! Ang ampalaya ay gulay, hindi ugali!’
“HUWAG mong isisi sa akin ang mga bagay na di mo magawa!” Yan ang matapang na pagayag ni Kakai Bautista sa mga taong walang ginawa sa buhay kundi maging bitter.
Ngayong women’s month, pinangaralan ng komedyana ang mga kapwa niya kababaihan na tigilan na ang pagiging “ampalaya” (read: bitterness) at matuto nang mahalin at pahalagahan ang sarili.
Sa kanyang Instagram account, nag-post si Kakai ng kanyang photo kalakip ang inspiring message na feeling namin ay hindi lamang para sa mga girls kundi pati na rin sa mga kalalakihan at maging sa mga miyembro ng LGBTQIA+ community.
View this post on Instagram
“REALTALK: Hoy inggitera! Ang ampalaya ay gulay, hindi ugali! Wag mo na kasing isisi sa Akin ang mga bagay na di mo magawa.
“Instead, MAHALIN mo ANG SARILI MO katulad ng sinubukan kong gawin. KAYA mo ayaw mo lang eh,” ang bahagi ng kanyang caption.
Hirit pa ng komedyana, “Tingnan mo nga ang sarili mo sa salamin, KA-Mahal Mahal ka.
Baka Bet Mo: Kakai: Walang pera-pera ngayon, walang fame, walang everything…we are powerless
“YOU ARE WORTH IT, YOU ARE UNIQUE IN YOUR OWN SPECIAL WAY. Kaya tigilan mo yan.
“Bumangon ka, at YAKAPIN mo ang KABUUAN MO.
“Magtulungan tayo para umangat ang isat-isa. GANON DAPAT!!!!!!!
“Women’s Month ngayon oh!” ang pagbabahagi pa ni Kakai.
View this post on Instagram
Samantala, sa isa pa niyang IG post para sa selebrasyon ng International Women’s Day kamakailan, nagbahagi rin ang dalaga ng kanyang advice patungkol sa pagkakaroon ng kumpiyansa sa sarili sa kabila ng mga kakulangan natin sa buhay.
Nag-share si Kakai ng video kung saan makikita ang BTS o behind the scenes ng ginawa niyang pictorial recently. Aniya sa caption, “Stay True and UnFiltered.
“Minsan or madalas, ayaw natin sa mga Sarili natin. Pero nababawasan yun kapag Minahal naten ang ating mga sarili ng paunti-unti.
“Nagiging Malaya tayo sa ingay ng mundo at nagagawa natin ang mga bagay na totoong nakakapagpasaya sa atin.
“Masaya ako kaya Nagpaphotoshoot ako.
“Happy International Women’s day to all the beautiful, brave, confident and Badass Women who fight everyday to LIVE and serve their purpose!” ang pagbati pa niya sa lahat ng mga kababaihan all over the universe
Lolit Solis binanatan si Vice: Type niya na maging patola at ampalaya sa akin
Janno Gibbs sinupalpal ang basher: I guess that’s how far your vocabulary goes
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.