Lolit Solis binanatan si Vice: Type niya na maging patola at ampalaya sa akin | Bandera

Lolit Solis binanatan si Vice: Type niya na maging patola at ampalaya sa akin

Therese Arceo |January 26,2022
facebook
share this

Lolit Solis binanatan si Vice: Type niya na maging patola at ampalaya sa akin

Therese Arceo - January 26, 2022 - 02:49 PM

Lolit Solis binanatan si Vice: Type niya na maging patola at ampalaya sa akin

ISANG mainit na pahayag na naman ang inilabas ng kolumnista at talent manager na si Lolit Solis patungkol kay Vice Ganda.

Matatandaant nitong nagdaang linggo ay naging mainit ang chika sa pagitan ng dalawa dahil sa sinulat ni Manay Lolit patungkol sa diumano’y “power tripping” ni komedyante sa kanilang noontime show na “It’s Showtime” na agad namang pinabulaanan ng co-host nitong si Jugs Jugueta.

May agarang tugon naman ang talent manager kay Jugs at sinabing naa-appreciate niya ang naging paglilinaw nito ukol sa isyu.

Ngunit hindi yata nagkaintindihan ang dalawa dahil nabanggit pa ni Vice Ganda ang pangalan ni Manay Lolit sa kanilang show noong January 21 at may pasaring pa sa mga “Marites”.

“Talagang type ni Vice Ganda na maging patola/ampalaya sa akin, Salve. Gusto niya ako sumikat kasi binabanggit niya name ko sa Showtime, hah hah. Hindi ko akalain na isang komedyante maging pikon sa konting pitik,” saad ni Manay Lolit sa kanyang Instagram post.

Aniya, dapat daw ay makuha ng Unkabogable star ang humility at sense of humir ng pumanaw na King of Comedy na si Dolphy.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Lolit Solis Official (@akosilolitsolis)

“Sabi ni Jugs hindi tutoo, eh di hindi tutoo iyon balitang powertripping, so ano problema? Dapat kay Vice Ganda makuha niya humility at sense of humor ni Dolphy.

“Si Dolphy kahit at the time na nag slide ng konti ang popularity nanatili ang love at respeto ng tao sa kanya. Pag ganyan kadali mapikon si Vice Ganda, baka pag nalaos siya ang maging reaction ng tao, buti nga, kasi pinasukan ng hangin ang ulo,” dagdag pa ni Manay Lolit.

Giit pa niya, dapat daw ay kalmado pang at hindi dapat maging OA ang reaksyon sa konting pitik o issue.

“Para bang wala ka dapat ibang opinyon kay Vice Ganda, dapat sabihin mo

lang mahusay siya, popular siya, mabait siya. Bongga! Perfect ang dating , walang mali.

“Iyon kadalasan ang pinapasukan ng hangin sa ulo, pag ayaw mong pinupuna ka, ayaw mo na may nasasabi sa kilos at salita mo,” sey ni Manay Lolit.

Tila nagdududa na rin daw ang kolumnista kung na baka trulili ang chika ukol sa pagpa-power trip ni Vice.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Huwag kang patola, at lalong huwag kang ampalaya, sige ka, papait sng lasa ng comedy mo, hindi na magiging katawa tawa, kasi may halo ng ampalaya at patola, magiging chopsuey na iyan, corny na,” saad muli niya.

Related Chika:
Jugs Jugueta pinagtanggol si Vice Ganda; Lolit Solis sumagot

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending