Alma Concepcion binasag ang basher na tumawag sa kanya ng 'bilasa': 'Mukhang di kaaya-aya ang sitwasyon mo, nakakaawa ka' | Bandera

Alma Concepcion binasag ang basher na tumawag sa kanya ng ‘bilasa’: ‘Mukhang di kaaya-aya ang sitwasyon mo, nakakaawa ka’

Ervin Santiago |March 22,2023
facebook
share this

Alma Concepcion binasag ang basher na tumawag sa kanya ng ‘bilasa’: ‘Mukhang di kaaya-aya ang sitwasyon mo, nakakaawa ka’

Ervin Santiago - March 22, 2023 - 07:16 AM

Alma Concepcion binasag ang basher na tumawag sa kanya ng 'bilasa': 'Mukhang di kaaya-aya ang sitwasyon mo, nakakaawa ka'

Alma Concepcion at Ruru Madrid

NIRESBAKAN ng aktres at dating beauty queen na si Alma Concepcion ang “golden basher” nanglait sa kanya nang bonggang-bongga!

Talagang kinarir ng nasabing netizen ang pagpapadala sa kanya ng private message sa Facebook para lang okrayin siya at pagsalitaan ng masama.

Ipinost ni Alma ang mga screenshot sa kanyang Facebook account nitong nagdaang Lunes, March 20, 2023, ng ipinadalang PM sa kanya ng nasabing hater.

Mababasa sa private message ng naturang basher kay Alma ang mga salitang, “BILASA kana (laughing emoji.)

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Alma Concepcion (@alma.concepcion)


Hindi naman ito pinalampas ng actress-beauty queen at talagang pinatulan ang kanyang hater. Aniya,
mas gugustuhin na niyang tumanda kesa bumata pero bastos at walang respeto sa kanyang kapwa.

Baka Bet Mo: Alma Concepcion ninakawan daw ng dating kasambahay: Pati anak ko nawalan din ng money…pakulong ko kaya?

Ang bwelta ni Alma sa netizen, “So? Mas gusto ko maging matanda kesa bata na di marunong mag respeto sa kapwa.

“Parang ang pait ng mga sinapit sa buhay ng mga nag nenegative comments.

“Cguro mas ok na buhos mo yung energy mo para gumanda buhay mo kasi mukhang di ka aya aya ang sitwasyon mo.

“Nakaka awa ka.

“Kaawaan ka nawa ng Puong May Kapal,” ang buong mensahe ng aktres sa kanyang basher.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Alma Concepcion (@alma.concepcion)


Dagdag pa ni Alma na napapanood ngayon sa GMA series na “The Write One”, “Mga 3x a year lang ako pumatol sa mga nega. Here is a sample.

“Buti may time ako today at nasa mood ako (laughing emoji) tinagalog ko talaga para sure na sure na sure na maintindihan hehehe,” hirit pa ng aktres.

Sa huli, nagbahagi pa siya ng kanyang hugot patungkol sa pagtanda ng isang tao, “For entertainment purposes (laughing emojis) soooo worthy to share hahahahahaha!

“Aging is a privilege and its definitely not a disadvantage. I dont even wanna go back to my younger years!” ang mariin pang sabi ni Alma Concepcion.

Osang, Alma sa mga baguhang sexy star: Pag sumikat kayo, ‘wag lalaki ang ulo dahil ‘yan ang ikasisira n’yo

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Alma Concepcion pinayuhan si Herlene Budol para mas lumakas ang laban sa Bb. Pilipinas 2022

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending