Shaira, Rochelle, Paul, Mikoy hindi nalaglag sa ‘Lolong’ season 2
CONFIRMED! Magbabalik na nga ang dambuhalang primetime action-adventure series na “Lolong” sa pangunguna ng Primetime Action Hero na si Ruru Madrid.
Ipinakilala na ang mga makakasama niya sa season 2 ng tinaguriang Philippines’ Most Watched TV show for 2022.
Ka-join uli sa “Lolong: Bayani ng Bayan” sina Shaira Diaz, Rochelle Pangilinan, Paul Salas, Mikoy Morales, Alma Concepcion, Maui Taylor, at Jean Garcia.
Kaabang-abang din ang mga naglalakihang pangalan na mapapanood sa season 2 ng serye sa pangunguna ng internationally-acclaimed actor na si John Arcilla na nagbabalik Kapuso.
Mapapanood din sa “Lolong” sina Rocco Nacino, Martin del Rosario, Klea Pineda, at Tetchie Agbayani. Bahagi rin ng powerhouse cast sina Victor Neri, Nikki Valdez, Bernadette Allyson at Boom Labrusca.
Baka Bet Mo: Ruru Madrid buwis-buhay ang mga eksena sa ‘Lolong’: Ang dami kong isinakripisyo rito, ilang beses akong naaksidente
Pasok din sa cast sina Jan Marini, Gerard Pizarras, Archi Adamos, Nicco Manalo, Nikko Natividad, John Clifford, Waynona Collings, Shamaine Buencamino, Rubi Rubi, Inah Evans, Barbiengot Forteza, Joe Vargas, Karenina Haniel at Leo Martinez.
View this post on Instagram
Ipakikilala rin ang child stars na sina Ryrie Sophia and Drey Lampago. Sina King Mark Baco at Rommel Penesa ang magiging direktor ng “Lolong: Bayani ng Bayan.”
Samantala, matapos nga ang storycon ng “Lolong” season 2 noong Biyernes (October 25), diretso ang ilang cast sa pangunguna nina Ruru, Rocco, at Paul sa GMA Network para makiisa sa Operation Bayanihan: Bagyong Kristine Telethon.
Sa “Lolong: Bayani ng Bayan,” aabangan ng mga manonood ang paglalakbay ni Lolong sa pagharap sa mga bagong hamon matapos niyang matagumpay na mapag-isa ang mga taga Tumahan at ang mga Atubaw.
Tiyak na marami na ang nakaabang sa dambuhalang comeback ng “Lolong” ngayong 2025.
* * *
Marami ang napa-wow sa inilabas na teaser video ng GMA Pictures para sa upcoming MMFF 2024 entry ng Kapuso Network na “Green Bones.”
Maririnig ang boses ni Ruru Madrid na isa sa mga bida ng pelikula na tila nagsasalaysay ukol sa paniniwala ng ibang tao sa konsepto ng green bones.
May kasabihan kasi na kapag na-cremate ang isang tao at nakakita ka ng green bones o kulay berde buto sa mga abo ng yumao, ibig sabihin ay naging mabuting tao ito.
Makikita rin ang karakter ni Dennis Trillo na nakakulong habang si Ruru naman ay tila isa sa mga jail guard.
Naiintriga tuloy ang netizens kung ano ang kuwento nina Dennis at Ruru. Excited na nga raw sila mapanood ito sa Disyembre! Marami rin ang pumuri sa kalidad ng nasabing pelikula sa teaser pa lang.
Say ng isang netizen, “Grabe pang hollywood na ang mga atake ng GMA Pictures. Nakaka proud basta Zig Dulay ang director talagang dekalidad. Nkaka proud talaga galing ng GMA pictures.”
“Ayan na! After ng #balota, #GreenBonesMovie naman! Quality after Quality!”
“Iiyak ulit ako dito. After Isla ng alitaptap, firefly last year, ito Naman this year.”
“Maraming salamat sa Regalo GMA Pictures!”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.