Ruru Madrid buwis-buhay ang mga eksena sa ‘Lolong’: Ang dami kong isinakripisyo rito, ilang beses akong naaksidente
BUWIS-BUHAY ang halos lahat ng action scenes ni Ruru Madrid sa bagong teleserye ng GMA 7, ang “Lolong” na finally ay mapapanood na ng mga Kapuso viewers bukas, July 4.
Si Ruru kasi mismo ang gumawa ng lahat ng stunts at fight scenes niya sa “Lolong” at hindi siya nagpa-double kahit pa delikado at pwedeng malagay sa peligro ang kanyang buhay.
At dahil nga rito, ilang beses naaksidente ang Kapuso hunk actor sa set ng kanilang action-adventure series na naging sanhi nga ng pagkaka-delay ng kanilang taping.
Pero ano nga ba ang pinakamahirap at pinakadelikadong stunts na ginawa ng Kapuso Action-Drama Prince sa adventure-serye na “Lolong” kung saan gaganap siya bilang binatang may kakaibang powers?
“Dito sa show na ‘to, speedboat, dadalhin ako sa gitna ng ilog. Ang suot ko niyan, nakasando ako, naka maong pants and then naka Chuck Taylor ako, nakasapatos ako.
“Magda-dive ako sa gitna ng ilog. Malayo sa pampang, dive ako doon,” kuwento pa ni Ruru sa podcast na “Updated with Nelson Canlas.”
Sey ng binata, napakahirap ng mga nasabing eksena, “Lalayo ‘yung speedboat, 5-4-3-senyas…action. Langoy ako. Simula sa gitna ng ilog ‘to, pagdating ko sa pampang.
“One take ‘to lahat, pagdating ko sa pampang, dahan-dahan ako. Magsusuot ako ng maskara, akyat ng konti, fight scene.
“Yung fight scene, siguro, let’s say pinakamababa 25 numbers. 1-2-3-4-5-6 hanggang 25 bagsak pa ako. Sa damuhan ‘to, minsan may tusok tusok, ganiyan. Bagsak akong ganiyan. Then after noon tatakbo,” chika pa ni Ruru.
View this post on Instagram
Dagdag pa niya, “‘Yung tuloy-tuloy na ‘yun minsan sa isang araw ilang beses ko ginagawa ‘yun. Aakyat pa ako ng puno ng niyog.
“Nag-aral pa ako umakyat ng puno ng niyog. Ganoon siya kahirap pero ang sarap sa pakiramdam every time na natatapos namin ‘yung taping,” sey pa ni Ruru.
Inamin naman ng hunk actor na magkahalong excitement at kaba ang nararamdaman niya habang papalapit na ang airing ng “Lolong” kaya sana raw ay suportahan ng mga Kapuso viewers all over the universe ang kanilang serye.
“Hindi ko po masasabi na natatakot ako, pero anxious of course sa kung ano ang mga puwedeng mangyari.
“At the end of the day wala po akong pagsisisihan because I know sa sarili ko na ‘yun na lang ‘yung mabibigay ko sa sarili ko na binuhos ko ‘yung best ko for this project. I gave everything,” sabi pa ni Ruru.
Pahayag pa ng binata, “Ang dami kong isinakripisyo for this project, to the point na napilayan ako, to the point na napako ako, naaksidente ako many many times.
“Ang daming beses habang ginagawa ko ang mga eksena, konti na lang, sinasabi ko sa sarili ko, konti na lang matatapos na ‘to.
“May mga ganoon na ako, pero kinaya ko, tinawid ko, natawid naming lahat. Wala po akong pagsisisihan kasi alam ko sa sarili ko na binuhos ko ‘yung best ko dito,” ani Ruru.
Sa July 4 na ang world premiere ng “Lolong”, 8 p.m. sa GMA Telebabad. Kasama rin dito sina Christopher de Leon, Jean Garcia, Paul Salas Arra San Agustin, Shaira Diaz at marami pang iba.
https://bandera.inquirer.net/316466/ruru-madrid-emosyonal-sa-presscon-ng-lolong-muntik-nang-sumuko-napilay-ako-napako-lahat-po-pinagdaanan-namin-dito
https://bandera.inquirer.net/306139/ruru-madrid-hindi-nagpa-double-sa-lolong-lahat-ng-buwis-buhay-stunts-ako-ang-gumawa
https://bandera.inquirer.net/307460/ruru-madrid-naaksidente-sa-taping-ng-lolong-napuruhan-ang-kanang-paa-im-very-sad
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.