Angeli Khang solo na ang titulong 'Vivamax Queen' minus AJ Raval; umaming dinaya ang edad para makapasok sa casino | Bandera

Angeli Khang solo na ang titulong ‘Vivamax Queen’ minus AJ Raval; umaming dinaya ang edad para makapasok sa casino

Ervin Santiago |March 22,2023
facebook
share this

Angeli Khang solo na ang titulong ‘Vivamax Queen’ minus AJ Raval; umaming dinaya ang edad para makapasok sa casino

Ervin Santiago - March 22, 2023 - 07:14 AM

Angeli Khang solo na ang titulong 'Vivamax Queen' minus AJ Raval; dinaya ang edad para makapasok sa casino

Jela Cuenca, Azi Acosta, Angeli Khang at Kiko Estrada

NGAYONG missing in action na si AJ Raval, mukhang solo na ng palabang sexy star na si Angeli Khang ang titulong Vivamax Queen.

Mula nang bumida ang dalaga noong 2021 sa Vivamax Original Movie na “Taya” kasama si Sean de Guzman, nagsunud-sunod na ang projects niya sa naturang streaming app na pag-aari ni Boss Vic del Rosario.

Ilan sa mga hit Vivamax movies ni Angeli ay ang “Mahjong Nights”, “Eva”, “Pusoy”, “Virgin Forest”, “Silip sa Apoy”, “Girl Friday”, “Us x Her”, “Selina’s Gold”, “Bela Luna”, at ang 8-episode series na “Wag Mong Agawin ang Akin”.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Angeli Khang (@angelikhang_)


Sila ni AJ ang talagang nagrereyna sa Vivamax dahil talagang kumikita ang kanilang mga pelikula. Ngunit bigla ngang natigil ang paggawa ng pelikula ni AJ nang sumabog ang tungkol sa relasyon nila ni Aljur Abrenica.

Ano ang masasabi ni Angeli sa titulong Vivamax Queen? “It’s flattering but ayoko talagang ilagay sa ulo ko,” ang tugon ng dalaga sa naganap na zoom presscon para sa latest movie niyang, “Balik Taya”.

Baka Bet Mo: AJ Raval, Sean de Guzman grabe ang sex scenes sa ‘Taya’; nakakaloka ang twist sa ending

In fairness, kinunan pa ang pelikula sa Thailand, “I’m just happy and thankful sa tiwalang ibinibigay sa akin ng Viva at sa magaganda projects they assign to me. Kamukha nitong ‘Balik Taya’. First time kong nag-shooting sa abroad and it was so much fun.”

“Masaya kasi nakapag-bonding kami nang husto ng buong cast and crew, with Direk Roman Perez.

“We became one family and visited a lot of the tourist spots there like the floating market, the Buddhist temples, the Pat Pong red light district and we even got to ride on elephants, so it’s really a lot of fun,” aniya pa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Beef 🐄 (@bface.ph)


Sa kuwento ng movie, “I play Kate, a girl na siyang humaharap sa customers na gustong tumaya sa online betting.

“I met Kiko Estrada and he thinks ako yung nakilala niyang girl sa Bangkok, kasi we both have a birthmark sa dibdib. We have an affair but then he meets Jela Cuenca at pinagsasabay pala niya kaming dalawa,” sey pa niya.

Tungkol pa rin sa pagsusugal ang “Balik Taya” kaya natanong si Angeli kung nakapagsugal na siya in real life, “Nakapunta na ako sa casino. Isinama ako ng tita ko. Dinaya ko pa yung age ko so that they will let me in.

“Pero hindi pa ako nakapag-gamble talaga. Nanonood lang ako. But when we did the movie ‘Pusoy’ with Baron Geisler, I played a card dealer so nag-aral ako how to handle ‘yung mga baraha kaya parang nakapagsugal na rin ako,” pag-amin ni Angeli Khang.

Mapapanood na ang bagong erotic-drama film na “Balik Taya” sa Vivamax simula sa March 31.

Bagong single ni Miley Cyrus na ‘Flowers’ nilabas na, trending agad sa YouTube

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sean de Guzman, AJ Raval nagbukingan ng feelings sa presscon ng ‘Taya’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending