AJ Raval, Sean de Guzman grabe ang sex scenes sa 'Taya'; nakakaloka ang twist sa ending | Bandera

AJ Raval, Sean de Guzman grabe ang sex scenes sa ‘Taya’; nakakaloka ang twist sa ending

Ervin Santiago |August 26,2021
facebook
share this

AJ Raval, Sean de Guzman grabe ang sex scenes sa ‘Taya’; nakakaloka ang twist sa ending

Ervin Santiago - August 26, 2021 - 09:42 AM

Sean de Guzman, AJ Raval, Angeli Khang at Jela Cuenca

GRABE! As in grabe pala talaga ang mga sex scenes sa erotic thriller movie na “Taya” na pinagbibidahan ng Viva talents na sina Sean de Guzman at AJ Raval.

Napanood namin ang pelikula kagabi sa ginanap na press preview sa pamamagitan ng ktx.ph at napatunayan namin na talagang napakatapang hindi lang ng mga artista kundi pati na rin ng tema at kuwento nito.

Totoong-totoo ang sinabi ng direktor ng “Taya” na si Roman Perez, Jr. na siguradong mapapanganga at mag-eenjoy ang mga kalalakihan sa kanilang pelikula.

Napakaraming pasabog na love scene nina Sean at AJ sa “Taya” at ilang beses ding ibinuyangyang ng sexy star ang kanyang boobs na bigay-todo sa lahat ng maseselan at maiinit na eksena niya.

In fairness, hindi rin nagpatalbog ang dalawa pang baguhang sexy star ng Viva na sina Angeli Khang at Jela Cuenca na agaw-eksena sa kanilang mapangahas na dyugdyugan scene kasama si Sean.

Naalala namin ang sinabi ng aktor sa nakaraang virtual presscon ng pelikula na talagang na-turn on siya habang ginagawa ang love scene niya sa movie, “Isang beses! Ha-hahaha!”

“Di ko na sasabihin kung kanino. Ha-hahaha! Parang natural lang naman sa lalaki na ma-turn on kung may ka-partner na nagla-loving-loving o nagme-make love.

“Isang beses nangyari, tuloy-tuloy lang ang take. Parang hassle lang kung nag-from the top pa kami. So, diretso lang, di ba?” sey ng binata.

Feeling namin, ang tinutukoy niyang eksena ay ang isa sa mga sex scene nila ni AJ kung saan may ginawa sa kanya ang aktres habang dinidilaan ang katawan niya.

Pero more than the love scenes, maganda rin ang kuwento ng “Taya” na sumentro sa talamak na online gambling kung saan ang pwedeng  mapanalunan ay droga at babae.

Dito nga nakilala ng karakter ni Sean na isang journalism student ang karakter ni AJ na naging premyo niya matapos manalo sa sinalihang online ending.

Pero hindi nga rito natapos ang kanilang relasyon dahil pareho silang na-in love sa isa’t isa na magiging ugat para pareho silang malagay sa panganib.

Nakakaloka ang twist at ending ng “Taya” lalo na ang nangyari sa karakter ni Sean. Hindi namin in-expect na ganu’n ang kahihinatnan ng role niya dahil siya nga ang bida.

Hindi na namin idedetalye ang mga kaganapan sa huling bahagi ng pelikula para makihula rin kayo kung ano nga ba ang naghihintay na katapusan sa kuwento ng movie.

Samantala, sa nakaraang mediacon ng “Taya”, idinenay nina Angeli at Jela na nagkaroon ng patalbugan sa kanilang shooting. Nagpasalamat pa nga sila kay AJ dahil todo ang suporta nito sa kanilang mga baguhan.

Sey nga ni AJ, “Sina Angeli at Jela, sinusuportahan ko sila dahil alam ko ang feeling ng nagsisimula nang walang nagga-guide.

“Saka wala naman patalbugan na nangyayari. Yung ginawa ko lang, para mag-stand out sa aming tatlo, nagpa-short hair lang ako. Kung anuman ang mangyari sa career nina Angeli at Jela, andito lang po ako. Susuportahan ko sila,” aniya pa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mapapanood na simula bukas, Aug. 27 ang “Taya” sa ktx.ph, iWantTFC, TFC IPTV at Vivamax. Kasama rin dito sina Soliman Cruz, Mon Confiado, Pio Balbuena at Raul Morit.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending