Sean de Guzman, AJ Raval nagbukingan ng feelings sa presscon ng 'Taya' Bandera

Sean de Guzman, AJ Raval nagbukingan ng feelings sa presscon ng ‘Taya’

Reggee Bonoan |July 29,2021
share this

Sean de Guzman, AJ Raval nagbukingan ng feelings sa presscon ng ‘Taya’

Reggee Bonoan - July 29, 2021 - 06:07 PM

IBINUKING nina Sean de Guzman at AJ Raval ang mga sarili dahil tila may pagtingin sila sa isa’t isa base sa naganap na virtual mediacon ng pelikulang “Taya” mula sa Viva Films na idinirek ni Roman Perez, Jr..

Bagay na loveteam sina Sean at AJ base sa mga nakapanood na ng pelikula dahil nakitaan sila ng magandang rapport bukod pa sa magkaibigan sila. Inamin din naman ng aktor na close na nga sila ng aktres.

Kaya lang parang may something na nga sa kana dahil kapag off-camera raw ay silang dalawa pa rin ang laging magkasama at magkausap.

Nagkatawanan sina AJ at Sean at sabay sabi ng una, “Siya po, nai-in love na sa akin.”

Sabi kaagad ng aktor, “Oy, grabe ka! ‘Yan po ang pinapalabas niya na may gusto ako sa kanya.”

“Patay na patay po siya sa akin,” tumawa uling sabi ni AJ.

Hirit naman ni Sean, “Siya po ‘yung mas may gusto sa akin!”

Parehong nabago ang mood ng dalawang bida ng “Taya” na halatang kinikilig nang pansinin ng host ng mediacon na si Giselle Sanchez, “Bakit kayo nagba-blush?”

“Mainit lang dito! Ha-hahaha!” tumawang sagot ng binata.

“Wala naman pong problema sa amin ni Sean (as loveteam), sobrang comfortable po kami at maituturing ko po siya na isa sa solid friends ko po,” paliwanag ni AJ.

“Aminin mo na AJ,” tukso uli ni Sean sa dalaga.

Ganting sagot naman ni AJ, “Kaibigan lang ang turing ko sa ‘yo Sean.”

“Wow, AJ, wow ah! Ayun nga po, naging matatag ang pagkakaibigan namin kahit ‘yung mga eksena namin alam naman namin ‘yung limitations at sobrang saya ko kasi nakatrabaho ko siya,” nabulol pang sabi ng aktor.

Napansin din pala ito ni Giselle, “Ngayon ko lang nakita si Sean na nauutal-utal.”

Biglang sabi ni Sean, “Na-stress kasi ako ni AJ.”

Kaya tinanong si Direk Roman kung ano ang obserbasyon naman niya sa dalawa niyang artista sa set ng “Taya” dahil kung may ibang nakakakita ay malamang siya iyon kahit hindi niya nasisilip sa kamera.

“Kita n’yo naman nu’ng tinanong ninyo sila, nagbago mga itsura nila pati movement nila, naiba-iba kasi iba rin ang chemistry nila, iba rin ‘yung nabuong pagsasamahan ng Sean at AJ.

“Hindi dahil bilang mag-partner sa screen, bilang mag-partner talaga kapag walang kamera kasi nakikita silang nagkukulitan, nakakatawang panoorin kasi hindi naman sila, pero nagiging masaya sila sa isa’t isa.

“Alam kong tatanungin ito, kita n’yo naman naiba ang nuisances nila, namula, hindi na alam kung ano ang isasagot, eh,” pambubuking ni direk Roman.

Sundot ni Giselle, “So direk hindi ka na magugulat kung maging sila kasi you could see it na, eh, you can feel it na may ganu’n.”

“Hindi ako magugulat kung maging malaya na silang dalawa sa isa’t isa sa buhay nila.  Hindi ako magugulat kung after a year kasi iba ‘yung chemistry nila,” paniniwala ng direktor.

Samantala, true to life experience ni direk Roman ang kuwento ng “Taya” dahil mahilig talaga siyang tumaya online, ito rin ang kuwento ng pelikula na naadik sa online bet ang karakter ni Sean at ang naging premyo niya ay babae.

Sa totoong buhay ay nasubukan na rin ng aktor ang tumaya sa online sabong pero kaagad din niya itong itinigil dahil lumalaki ang gastos niya.

Si AJ naman ay hindi nasubukang tumaya pero na-experience niya na ang ex-boyfriend niya ay naadik sa online bet na dahilan kaya nagkaroon sila ng hindi pagkakaunawaan.

Iikot ang kuwento kay Sixto (Sean), isang Journalism student na nakadiskubre na ang babaeng lagi niyang pinagpapantasyahan ay isa sa mga premyo sa isang online “ending” na laro.

Agad-agad siyang tumaya at maswerte siyang nanalo sa laro. Ngunit dahil nagkamali siya sa pagtaya, hindi niya napansin na ibang babae ang kanyang natayaan; isang babaeng nagngangalang Nanette (AJ). 

Pagkatapos ng ilang sexual encounters, na-adik si Sixto kay Nanette at nangako ito na babawiin siya sa sindikatong may hawak sa kanya na ang tingin lang sa kanya ay isang premyo na pagkakakitaan.

Kasama rin sa pelikula sina Jela Cuenca at Angeli Khang, Soliman Cruz, Mon Confiado, Pio Balbuena at Raul Morit. Mapapanood na ito sa Agosto 27, streaming sa ktx.ph, iWantTFC, TFC IPTV at Vivamax.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending