Mariel, Rufa Mae kumasa sa ‘Drink or Spill’ challenge, netizens tawang-tawa: ‘Galing ng tandem! ‘Yung energy n’yo todong-todo!’
MABENTA ngayon sa netizens ang latest YouTube vlog ng TV host na si Mariel Padilla kasama ang actress-comedienne na si Rufa Mae Quinto.
Ang kanilang gimik ay ang tinatawag na “Drink or Spill” na kung saan ay kailangan nilang sagutin ang ilang questions na nakahanda para sa kanila.
Ang twist lang ay kailangan nilang uminom ng cocktail sakaling pipiliin nilang hindi sagutin ang mga katanungan.
Hindi pa man nagsisimula ang kanilang challenge ay bigay-todo na ang dalawa sa kanilang usapan.
Ayon pa kay Mariel, ito ang pinakanakakatawang Youtube upload na kanyang ipinost.
Nakwento rin niya na matagal niyang hinintay si Ruffa para gawin ang drinking session vlog.
Baka Bet Mo: Rufa Mae ibinuking si Robin nang makasama sa shooting: Grabe siya! Uubusin ang pera niya para sa bayan!
Sey ng TV host, “Hinintay ko talaga siya. Matagal na matagal nang naka-lineup ‘to, pero sabi ko there’s no other person I want to do a ‘Drink or Spill’ kundi siya lang. No one else but the number one booba talaga Rufa Mae Quinto!”
“Pero totoo talaga. Si Rufa Mae is the funniest. Kahit wala siyang ginagawa, umiinom ng tubig, ngumunguya, matatawa ka,” dagdag pa niya.
Ilan sa mga ibinatong tanong sa kanila ay tungkol sa kanilang friendship, trabaho at pamilya.
Nakakailang shot pa lang ang dalawa ay mapapansin nang tila nalalasing na sila dahil lalong nagiging hyper ang kanilang kwentuhan.
Inamin pa ni Mariel na nahihirapan siyang sumingit sa tuwing magsasalita na si Ruffa Mae.
“Usually sa vlog ko, kapag may guest sasabihin nila, ‘Mariel pasalitain mo naman ‘yung guest’. Ito talaga hindi ako makapasok, sa totoo lang. Ito talaga hirap na hirap ako,” pag-amin ni Mariel sa vlog.
Aliw na aliw naman ang maraming netizens sa ginawang collaboration nina Mariel at Rufa Mae.
Marami tuloy ang humiling na magkaroon daw sana ng part 2 ang dalawa.
Narito ang mga nabasa namin sa comment section:
“Mariel isang vlog pa with Rufa haha Pls sobrang laftrip to. Ung energy niyo parehong sobra sobra hahahaha hyper kung hyper kahit walang alak [laughing emojis]”
“Matched made in heaven ang energy ng dalawa [laughing emoji] Hindi mo masabing madaldal si Mariel this time, kasi same same lang.”
“Sarap nilang panoorin ‘di nawala ang ngiti ko sa mukha hanggang matapos Love you both.”
Related Chika:
Rufa Mae Quinto nilaro ang song number sa ‘All Out Sundays’, netizens tawang tawa: Let it go go go!
Rufa Mae sa epekto ng pandemya: Parang naging horror film ang buhay!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.