Miss Grand Philippines bukas na sa mga aplikante para sa 2023 pageant | Bandera

Miss Grand Philippines bukas na sa mga aplikante para sa 2023 pageant

Pauline del Rosario |March 20,2023
facebook
share this

Miss Grand Philippines bukas na sa mga aplikante para sa 2023 pageant

Pauline del Rosario - March 20, 2023 - 10:34 AM

Miss Grand Philippines bukas na sa mga aplikante para sa 2023 pageant

PHOTO: Instagram/@msgrandphil

OPISYAL nang nagsimula sa pagtanggap ng mga aplikante ang Miss Grand Philippines para sa nalalapit na 2023 pageant.

Ang announcement ay ibinandera ng ALV Pageant Circle sa social media noong March 18.

“Join us as we embark on our journey in search of our queen who will rise up to the challenge and raise our flag,” saad sa caption.

inihayag din ng organizers ang ilan sa mga kwalipikasyon upang makasali sa kompetisyon.

Ayon sa post, bukas ito sa lahat ng mga Pinay na nasa edad 18 hanggang 28 at hindi bababa sa 5’4” ang height.

Dapat ang kandidata rin ay Philippine passport holder at isang dalaga na kailanman ay hindi ikinasal o nagdalang-tao.

Baka Bet Mo: May asawa at mga tatay pwede nang sumali sa Mister International PH pageant

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Miss Grand Philippines (@msgrandphil)

Bukod diyan ay kailangan ding mag-submit ng application form, pati na rin isang full body, swimsuit at headshot photos.

As of this writing ay wala pang deadline ang application period.

Ang mananalo sa kompetisyon ay magiging kinatawan ng Pilipinas sa Miss Grand International na gaganapin sa Oktubre sa Vietnam.

Para sa kaalaman ng marami, ang license ng MGPH ay nasa ilalim ng Binibining Pilipinas Charities, Inc. mula pa noong 2016 hanggang 2022, ngunit inilipat na sa kay Arnold Vegafria ng ALV Pageant Circle.

Samantala, ang isa sa mga inaasahang sasali sa nasabing MGPH ay si Binibining Pilipinas 2022 first runner-up Herlene Budol.

Nauna siyang nagkumpirma noong Pebrero matapos makapanayam ng King of Talk na si Boy Abunda.

Nang tanungin kung ano naman ang magiging puhunan niya ngayon sa bagong journey ng sasalihang pageant, “Kapal po ng mukha. Yun po talaga ang number one puhunan ko sa buhay.

“Wala po akong kahit anong talent, kapal lang po ng mukha. Bibihira po yon, yung talent na yon,” sey ni Herlene.

Related chika:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Miguel Tanfelix sa pagiging leader ng Voltes V: Sobrang nape-pressure ako!

Herlene Budol sasabak sa Miss Grand Philippines 2023: ‘Kapal ng mukha lang po ang number 1 puhunan ko sa buhay’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending