Bagong single ni BTS Jimin #1 trending sa YouTube, iTunes charts ng 110 na bansa | Bandera

Bagong single ni BTS Jimin #1 trending sa YouTube, iTunes charts ng 110 na bansa

Pauline del Rosario |March 19,2023
facebook
share this

Bagong single ni BTS Jimin #1 trending sa YouTube, iTunes charts ng 110 na bansa

Pauline del Rosario - March 19, 2023 - 02:43 PM

Bagong single ni BTS Jimin #1 trending sa YouTube, iTunes charts ng 110 na bansa

PHOTO: Instagram/@j.m

HIT na hit ngayon ang bagong single ni Jimin ng K-Pop sensation na BTS!

As of this writing, dalawang araw pa lang mula nang nilabas ng Korean star ang kantang “Set Me Free Pt. 2” ay nag-number one na kagad ito sa YouTube.

Ang music video ay umaani na ng mahigit 23 million views sa nasabing video-sharing platform.

Bukod pa riyan ay nangunguna rin ang bagong kanta sa iTunes Top Songs charts ng mahigit isang daang bansa.

Kabilang diyan ang mga bansang Britain, Canada, Italy at Finland, ayon sa talent agency na BigHit Music.

Ang “Set Me Free Pt. 2” ay kabilang sa debut solo album ni Jimin na may titulong “Face” na nakatakdang ilabas sa March 24.

Baka Bet Mo: BTS member Jimin nag-positive sa COVID, inoperahan din dahil sa acute appendicitis

 

View this post on Instagram

 

A post shared by JIMIN (@j.m)

Ayon sa K-Pop idol, ang album ay tungkol sa kanyang journey bilang soloist musician.

Para sa mga hindi pa masyadong aware, si Jimin ang ika-apat na miyembro ng BTS na sumabak sa solo career matapos i-anunsyo ang kanilang pagpapahinga bilang grupo at bilang paghahanda sa pagsabak nila sa mandatory military service sa South Korea.

Noong Oktubre nang inanunsyo ng talent agency ng grupo na BigHit Music na papasok na sa mandatory military service ng South Korea ang lahat ng BTS members.

Nauna nang sumabak sa enlistment si Jin at pagkatapos niya ay isa-isa na ring papasok ang iba pang miyembro ng BTS.

Inaasahang muling magsasama ang grupo sa 2025 pagkatapos ng military service.

Matatandaang nagsimula ang career ng BTS noong 2013 at mula niyan ay unti-unti nilang narating ang matagumpay na karera pagdating sa music industry.

Dahil diyan ay itinuturing na silang bilang “biggest K-pop act in the world.”

Related chika:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Julia umamin: Na-miss ko pala ‘yung part na ‘yun tungkol sa sarili ko…

Kelvin Miranda gusto nang magkadyowa: Pero sa ngayon mahirap ‘yung commitment

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending