Marjorie ayaw makipag-flirt, takot mapaglaruan ng mga lalaki: 'Baka kapag nagloka-lokahan ako, magloka-lokahan din mga anak ko' | Bandera

Marjorie ayaw makipag-flirt, takot mapaglaruan ng mga lalaki: ‘Baka kapag nagloka-lokahan ako, magloka-lokahan din mga anak ko’

Ervin Santiago |March 19,2023
facebook
share this

Marjorie ayaw makipag-flirt, takot mapaglaruan ng mga lalaki: ‘Baka kapag nagloka-lokahan ako, magloka-lokahan din mga anak ko’

Ervin Santiago - March 19, 2023 - 08:22 AM

Marjorie ayaw makipag-flirt, takot mapaglaruan ng mga lalaki: 'Baka kapag nagloka-lokahan ako, magloka-lokahan din mga anak ko'

Marjorie Barretto at Maricel Soriano

NAKAKAALIW ang chikahan nina Diamond Star Maricel Soriano at  Marjorie Barretto tungkol sa isyu ng pakikipagrelasyon.

Ang bongga ng house at refrigerator raid na ginawa ni Maricel sa kanyang cooking vlog na mapapanood sa kanyang YouTube Channel kung saan napakaraming rebelasyon ni Marjorie about her personal life.

Bumilib ang award-winning veteran actress at movie icon sa pagiging  organized sa bahay at hands-on mom ni Marjorie sa kanyang limang anak.

Sa isang bahagi ng video, diretsahan nang tinanong ni Maricel kung may plano pa ba siyang magmahal at makipagrelasyon uli.

“Talagang mommy na lang? Marj, ano wala?” hirit na tanong ni Maricel sa nanay ni Julia Barretto.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Maricel Soriano (@officialmaricelsoriano)


Sey ni Marjorie sa kanya, “Tinatanong mo ba kung may love life? Wala eh.”

Ani Marj, baka raw walang nanliligaw sa kanya dahil inaakala ng mga lalaki na ayaw niyang magpaligaw at kuntento na siya sa buhay niya ngayon kasama ang mga anak.

“Parang wala yata akong vibe na nilalabas na gusto ko magka-boyfriend. Walang lumalapit. Bat ganun?” sey ni Marjorie.

Hirit naman sa kanya ni Maricel “Nasa loob ka kasi lagi ng bahay, eh.”

Paliwanag pa ni Marjorie, “Sabi nga ng mga anak ko, ‘Alam mo ‘yung vibe mo parang di ka nila malapitan, hindi ka nila maligawan.'”

Dagdag pang katwiran ng dating aktres, “Eh, paano? Alangan naman mag-flirt flirt ako. Ayoko mag-flirt.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Maricel Soriano (@officialmaricelsoriano)


Ang takot ni Marjorie, baka raw kapag siya ang nagparamdam sa lalaki ay hindi siya seryosohin at paglaruan lang ang kanyang puso at kapag nangyari ito ay siguradong masasaktan din ang kanyang mga anak.

Baka Bet Mo: Banta ni Marjorie sa mga naninira kay Julia: Buhay na buhay pa ang nanay niya!

“Ayan talaga tinanong ko pa sa mga anak ko kung paano. Kapag lumabas ako ano gagawin ko? Pano ko sasabihin na gusto ko? Gaganu’n-ganu’n ba ako? I’m available? Baka hindi ako seryosohin, paglaruan lang ang aking puso,” pahayag pa ni Marj.

“Baka mabasag (ang mga anak ko). Naku, jusko! Hindi ako pwedeng magloka-lokahan.

“May mga anak akong nanonood sa akin. ‘Pag nagloloka-lokahan ako, four ang daughters ko, baka magloka-lokahan din sila. Baka magmana sa akin,” natawang chika pa ng nanay ni Julia.

Naibahagi rin ni Marjorie sa nasabing vlog na nagkausap na rin daw noon sina Maricel at Julia at natatandaan pa raw ng girlfriend ni Gerald Anderson ang ibinigay ng advice sa kanya ng Diamond Star tungkol sa lalaki.

Ang habilin daw ni Maria kay Julia ay huwag na huwag iiyak nang dahil lang sa lalaki, lalo na on national television.

Marjorie Barretto kontra sa pagpasok sa showbiz ng anak na si Leon: ‘Oh, my God! Please, I don’t like!’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Julia tinulungan si Marjorie para makapagtapos ang kapatid sa magandang school

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending