Marian, Dingdong suportado sina Ashley at Xian sa 'Hearts On Ice'; trending lagi sa socmed | Bandera

Marian, Dingdong suportado sina Ashley at Xian sa ‘Hearts On Ice’; trending lagi sa socmed

Ervin Santiago |March 16,2023
facebook
share this

Marian, Dingdong suportado sina Ashley at Xian sa ‘Hearts On Ice’; trending lagi sa socmed

Ervin Santiago - March 16, 2023 - 06:15 AM

Marian, Dingdong suportado sina Ashley at Xian sa 'Hearts On Ice'; trending lagi sa socmed

Marian Rivera, Dingdong Dantes, Xian Lim at Ashley Ortega

FINALLY, mapapanood na ang paglabas ni Sparkle artist Ashley Ortega bilang si Ponggay sa first-ever figure skating series sa bansa na “Hearts On Ice.”

Bukas, March 17, mapapanood na si Ashley sa kanyang kauna-unahang lead role sa GMA primetime soap. Subaybayan ang journey ni Ponggay para abutin ang nasirang pangarap ng kanyang ina na maging isang figure skating champion.

Samantala, very thankful si Ashley sa naging mainit na pagtanggap ng viewers sa pilot episode ng “Hearts On Ice” nitong nagdaang Lunes, March 13.

Trending topic din ang serye sa Twitter kaya sey ni Ashley, “Sa lahat po ng nagpa-trend ng ‘Hearts On Ice’ kagabi, maraming-maraming salamat po sa inyo. I’m so kilig. The whole cast and production of ‘Hearts On Ice’ is so kilig also.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ashley Ortega (@ashleyortega)


Todo-pasalamat din ang aktres sa mga kapwa Kapuso star na nag-congratulate sa kanya at nagpahayag ng suporta para sa show.

Ilan lang diyan sina Kapuso Primetime King Dingdong Dantes at Kapuso Primetime Queen Marian Rivera na ibinahagi pa sa kanilang Instagram pages ang official poster ng “Hearts On Ice.”

Talaga namang nag-uumapaw ang positive feedback para sa programa.

Baka Bet Mo: Ashley Ortega payag uling lumaban sa ice skating competition, pero…

Ayon sa isang netizen, “Ang masasabi ko lang for #HeartsOnIceWorldPremiere, it’s like watching a film on TV.

“The skating scenes look so cinematic! Seeing my childhood dream of becoming a figure skater in a TV drama makes me very happy. #HeartsOnIceWorldPremiere is a testament to GMA’s commitment to producing world-class series,” sabi pa nito.

Marami pang dapat abangan sa serye at kabilang na riyan ang magiging papel ni Enzo (Xian Lim) sa buhay ni Ponggay! Kaya tutok lang sa “Hearts On Ice,” Lunes hanggang Biyernes,  8:50 p.m. sa GMA Telebabad.

Francine Diaz: Wala akong boyfriend, single lady po ako!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Xian shookt nang ialok sa kanya ang figure skating series na ‘Hearts on Ice: ‘Sure po ba kayo na sa akin n’yo ito ibibigay?’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending